MR. LUCERO

1508 Words
Pagdating sa bahay ay agad akong tininulak ni tiya Minda. Lalong umagos ang luha sa aking mga mata nang tumama ang aking pang-upo sa sahig sa matigas na sahig. Ngunit wala naman akong magagawa kundi ang tumangis na lamang. Ngunit kailangan ko pa rin ang magpaliwanag dito. “Tiya Minda, hindi ko naman po binili ang pera, heto nga po ang pinagbentahan ko ng kangkong.” Sabay pakita ko rito ng pera. Dali-dali naman itong kinuha ang pera at agad na binilang sa aking harapan. Ngunit kitang-kita ko ang pagkunot ng noo ng tiyahin ko. Pagkatapos ay galit pa ring tumingin sa akin at para bang may nagawa na na naman akong pagkakamali sa kanya. “Ito lang pinagbentahan mo ng kangkong? Ang sabi ng mga nakakita sa ‘yo ay may tinda ka na malunggay, tama ba, Ceje?” Halos lumuwa ang mga mata nito habang nakatingin sa akin. Bigla akong napalunok nang ilang ulit. Lagot na naman ako nito. Bahala na nga! “Tiya Minda, an po kasi. . 70 pesos lang po ang binagbentahan ko sa malunggay. Ibigay lang po sa akin ni Manang Mesang ang mga malunggay. Puwede po bang sa akin na lamang ‘yon?” nakikiusap na sabi ko sa aking tiyahin. “Aba’t, talagang kukupitan mo pa ako? Hindi mo ba alam na mahalaga sa akin kahit piso. Baka ‘yong 70 pesos na ‘yan ang makakapagpanalo sa akin sa sugal. Akin na, ibigay mo sa akin, Ceje. Saka ano’ng gagawin mo sa pera? Wala ka namang bibilhin!" Sabay lahad ng kamay nito sa aking harapan. Hindi ako nagsalita. Agad ko na lang kinuha ang pera sa bulsa ko. Hindi na lang ako nagpilit na ibigay sa akin ang 70 pesos at baka masaktan lamang ako. “Maglinis ka ng buong bahay Ceje, may paparating akong bisita ngayon!” Agad na tumalikod ang tiyan ko para lumabas ng bahay. Dali-dali naman akong tumayo para pumasok sa maliit kong silid. Ini-lock ko rin ang pinto. Mabilis kung kinuha ang 50 pesos na itinago ko. Agad ko itong inilagay sa lumang wallet ko na galing pa kay ate Adal. Muli kong itinago ang wallet upang hindi nito makita ng tiyahin ko. Bago lumabas ng bahay ay nagpalit muna ako ng aking damit. Tudo dasal din ako na sana ay hindi malaman ni tiya Minda na hindi lang 70 pesos ang pinagbentahan ko ng malunggay. Talagang mabubugbog ako nito. Hindi na lang ako magpapahalata. Sino kayang makakating dila ang nagsasabi kay tiya Minda na may binibenta akong malunggay? Ang sarap lagyan ng sili ng bibig. Nang lumabas ako ng kwarto ay agad kong kinuha ang mga gagamitin ko sa paglilinis ng buong bahay. Sino kayang parating na bisita ng tiyahin ko? Una kong nilinis ang kwarto ng tiyahin ko, itinupi ko rin ang mga damit nito at para nang dinaanan ng bagyo. Nagpalit din ako ng mga pundo at kumot upang walang masabi ang tiyahin ko sa akin. “Ceje! Ceje!” narinig ko ang boses ng tiyahin ko. Dali-dali akong lumabas ng kwarto upang alamin kung bakit ako tinatawag nito. “Linisan mo rin ang kabilang kwarto, dahil dito matutulog ang aking bisita, bilisan mo!” “Si-Sige po, tiya Minda.” Agad din naman itong umalis sa aking harap. Malungkot akong tumingin kay tiya Minda hakbang papalayo siya sa akin. “Kailan kaya ito magbabago ng pakikitungo sa akin…?” pabulong ko na tanong sa aking sarili. Parang gusto ko na lang umiyak. Ngunit ang sabi ni ate Adal ay pagsubok lamang ang lahat ng ito. Napahinga na lamang ako ng malalim. Hanggang sa muli kong pinagpatuloy ang paglilinis ko ng buong bahay. Halos inabot ako ng siyam-siyam, lalo at sobrang dumi ng kabilang kwarto. Para tuloy akong lantang gulay nang matapos, ngunit bawal magpahinga, kailangan ko pang magluto. Kaya kahit napapagod ay pumunta pa rin ako sa kusina. Inutos din ni tiya Minda na dagdagan ko ng saing. Nagprito rin ako ng talong upang may ulam ako. Alam kong hindi mag-uulam nito si tiya dahil narinig kong bibili ito ng letchong manok. “Ceje, tapos ka na ba?” “Tapos na po, Tiya Minda.” “Mabuti kung ganoon. Ayosin mo ang sarili mo Ceje. Ang dumi-dumi mo! Nakakahiya na makita ka ng mga bisita ko na ganiyan ang ayos mo. Baka isipin nila malupit ako sa ‘yo. Sige na, ayosin mo ang sarili mo." “Sige po.” Agad akong napayuko. Pagkatapos ay dali-dali na akong umalis dito para pumunta sa poso. Nag-ibig ako ng tubig para dalhin sa loob ng banyo. Muli akong bumalik sa loob ng bahay upang kuhanin ang tuwalya. Balak ko na sanang pumasok sa kwarto ko nang marinig kong may kausap si tiya Minda. May nag-utos sa akin na makinig muna sa dalawang tao na nag-uusap. Alam ko naman na bawal makinig sa usapan ng mas nakakatanda, ngunit hindi naman ako magpapahuli na nakikinig sa kanila. “Sana mabait din ang bagong may-ari ng lupa na ito. At hindi ako paalisin dito.” Narinig ko ang boses ni tiya Minda na nag-aalala. Nagulat din ako sa aking nalaman. Iba na pala ang may-ari nang lupang kinatitirikan ng bahay namin. Sobrang bait ng may-ari ng lupang ito. Nasa ibang bansa na sila nakatira. Sa aking pagkakaalam ay noong nakaraang taon pa naghahanap ng buyer pala sa lupa. Kung sakaling papaalisin kami ng bagong may-ari rito sa lupa niya ay wala kaming ibang matitirhan. Sana lang ay mabait ang bagong may-ari ng lupain na ito. AGAD na lamang akong umalis dito sa pinagtataguan ko ay bak makita ako ng tiyahin ko. Mabilis akong pumasok sa loob kwarto ko upang kumuha ng tuwalya. Nang makuha mo ang aking pakay ay mabilis na akong pumasok sa loob ng banyo. Agad akong nagbuhos ng tubig gamit tabo. Pagkatapos kong maligo ay dali-dali kong ibinalot ng tuwalya ang aking katawan. Mabilis kong binuksan ang pinto ng banyo. Agad akong pumasok sa loob ng kwarto ko para maglagay ng damit sa aking katawan. Lumang short at lumang t-shirt ang sinuot ko. Iilang pirasong damit lang ang mayroon ako. Hindi naman ako makabili dahil wala akong pera. Nagkakaroon lang ako ng pera kapag nakakakuha ako kapag nagtitinda ng kangkong. Hindi naman ako puwedeng basta mangupit ng malaki dahil nalalaman ka agad ni tiya Minda. Kasalukuyan akong nagsusuklay ng buhok nang marinig ko ang mga sasakyan na dumating. Mukang nandto na ang bagong may-ari ng lupa. Agad akong lumapit sa bintana upang alamin kung sino. Ngunit hindi ko naman nakikita. Ang tanging natatanaw ko ay mga sasakyan. . “Ceje, lumabas ka riyan at ayusin mo ang mga kakain ng mga bisita. Doon sila kakain sa kubo kaya roon mo dalhin ang mga pagkain na binili ko. Kuhanin mo sa ibabaw ng lamesa. Kailangan nakahanda na ang mga pagkain nila pagbalik namin. Ililibot ko lang sila sa buong lupain!” Narinig ko ang boses ni tiya Minda. Dali-dali na akong lumabas ng kwarto ko. Nakita ko pa nga si Tiya Minda. “Ayosin mo ang mga kilos mo, Ceje. Oras na pumalpak ka at mapaalis tayo rito, mapapatay kita, wala akong pakialam kahit kagudo pa kita!” pagbabanta nito sa akin. Marahan lamang akong tumango kay tiya Minda. Agad din itong umalis sa aking harapan. Hanggang sa nagmamadali na ang mga kilos ko upang ayosin ang mga pagkain. Pagpunta ko sa kusina ay nagulat ako dahil sa mga ulam na nandito. May letchong manok at bahoy, may mga inihaw pa na isda. ‘Yung ibang ulam ay hindi ko na alam kung ano’ng pangalan, pang mayaman kasi. Isa-isa kong dinala sa labas ng bahay ang mga pagkain. Maliban sa letchonh baboy na hindi ko kayang buhatin. Totoo kayang si tiya Minda ang bumilis ng mga pagkain na ito? Sobrang dami nito at ang mahahal pa, saan ito nag-order? HINDI kasi ako makapaniwala na gagastos ito ng ganito kamahal na mga pagkain. Mukang pinaghandaan ni tiya Minda ang pagdating ng bagong may-ari. Saktong tapos ko sa pag-aasikaso ng mga pagkain ay natanaw ko na sina tiya Minda. Hindi ko naman nakikita ang mukha ng mga kasama nito dahil nakasuot ng salamin sa mga mata. Napatungo na lamang ako habang naghihintay sa paglapit nila. “Mr. Lucero, maraming salamat po, dahil pinagbigyan mo ako sa aking kahilingan, tatanawin ko pong utang na loob ito, walang-wala po talaga kaming matitirhan ng aking pamangkin, ang masama pa’y masakit po ang pamangkin ko, nasa edad niyang 18 years old ay batang isip pa rin pi siya. Medyo alagain ko nga po ‘yon. May maintenance rin po na gamot siyang iniinom lalo na kapag nagwawala siya—” Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko upang hindi magsalita. Hindi ko alam kong matatawa ba ako o maiinis sa aking tiyahin. Ano raw, isa akong isip bata? At umiinom talaga pa raw ako ng gamot? May Gosh! Gagawin talaga ng tiyahan ko ang lahat upang hindi ito mapaalis dito. Lalo naman akong nagpaka-yuko-yuko nang dumaan sila sa harap ko. Pakiramdam ko tuloy nanginginig ang buong katawan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD