(CEJE’S POV) Isang marahas na buntonghininga ang aking ginawa habang naglalakad dito sa kakahuyan. Hindi ko alinta ang masukal na daan. Kailangan kong makarating sa lugar na kung saan kami magkikita ng mga taong kumuha kay Kimelines. Hindi ko puwedeng pabayaan ang aking kaibigan. Kahit ano’ng mangyari ay hinding-hindi ko iiwan ang aking mahal na kaibigan. Pasimple ko ring kinapa ang maliit na kutsilyo na nasa aking tagiliran. Medyo kabado ako, ngunit kakayanin ko para sa aking kaibigan. Naisip ko rin na kaya ko bang pumatay ng tao? Siguro gagawin ko kung kinakailangan. Napahinto ako sa paglalakad nang biglang nagliwanag ang buong paligid, dahil sa mga ilaw. Mukhang nandito na ako sa lugar ng mga kalaban na kumuha sa aking kaibigan. Hanggang sa napatingin ako sa unahan at nakita ko roo

