(ACLARE’S POV) Kitang-kita ko ang panlalaki ng mga mata ni Sonake. Hindi ito makapaniwala na mga sinabi ng kanyang asawa. Pasimple tuloy akong napangisi. Ako pa talaga ang kakalabanin nito, hindi ba nito alam na kayang-kaya kong paikutin sa aking mga palad ang mga tao sa palihid ko. At ngayon ay titiyakin ko na hindi na ito makakabalik sa bahay na ito. Ako lang dapat ang nandito. “So, makikipaghiwalay ka sa akin dahil sa bastarda mong anak na mahilig gumawa ng kwento, Owen!” galit na sabi ni Sonake. “Kung iyon ang nararapat. Hindi ko kayang makisama sa katulad mong maharot at hindi makontento sa iang lalaki lang —” Ngunit buong lakas na sinampal ni Sonake si Daddy Owen. Dali-dali akong lumapit dito at gigil kong itinutak ang babae. “Wala kang karapatan na saktan ang aking Ama. Umali

