Kahit gulong-gulo ang utak ko ay nakalabas naman ako ng bahay ni Kent. Nakita ko naman si Oreb na naghihintay sa akin. Pinagbuksan naman ako ng pinto ng kotse. Wala akong imik nang pumasok ako sa loob ng sasakyan. Hanggang sa naramdaman kong tumakbo na ang kotse para ihatid ako sa bahay ni tiya Minda. Magulo talagang kausap ang mga mayayaman. Panay rin ang buntonghininga ko. Napansin ko na panay ang tingin ni Oreb sa likuran ng kotse. Naramdaman ko rin na mas bumilis ang pagpapatakbo nito ng kotse. Hanggang sa narinig kong may kausap si Oreb sa kabilang linya. Parang pinaghahanda nito. Ag! Iwan. “Ms. Ceje, yumuko ka muna. Bilisan mo!” Kahit nagtataka ay agad kong sinunod ang pinag-uutos nito. Naramdaman ko rin na mas lalong bumilis ng pagpapatakbo nito ng kotse. Ngunit nagulat ako dahil

