Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao. Talagang Tupperware ang matandang ito. Ang ugali nito ay ugali rin ni tiya Minda. Napapaisip tuloy ako kung mag-ina ba talaga sila. Agad naman akong binitawan nito. Pero inakbayan ako nito at biglang gumanda ang ngiti nito. At parang maamong kambing na ito kasi kaharap ang anak nito. “Ceje, tikman mo ang mga niluto ko sa ‘yo. Nakakatiyak ako na masasarapan ka talaga. Ito ang mga gustong pagkain ni Kent. Kumain ka na Ceje at huwag ka nang mahiya.” Talagang pinaglagay pa ako nito ng kanin sa aking plato. Pero alam kong sa likod ng magandang ngiti nito ay nagtatago ang mala-demonyong pagkatao. Napatingin naman ako kay Kent na seryoso lamang nakatingin sa amin. Hindi ko alam kung ano’ng nilalaman ng utak nito. Agad namang tumabi sa akin si Kent. Nara

