Ngunit wala akong pakialam kung matanda ito sa akin. Papatulan ko talaga ito. Magka-ugali sila ng kanyang anak na si Marape. Nanlilisik din ang mga mata ko na tumingin dito. Hanggang sa bigla kong inangat ang aking kamay at basta ko na lang hinawakan ang leeg nito. Kitang-kita ko ang gulat nito dahil sa aking ginawang pagsakal dito. “Gusto mong mamatay ng maaga, tanda? Tapos isusunod ko ang ‘yong anak na si Marape?” nakangising tanong ko sa babae. Parteda. May hawak pa akong planggana sa kabilng kamag ko na may kangkong. “Bitawan mo ang Mommy ko, please! Pakiusap, Ceje! Huwag mong saktan ang Mommy ko” umiiyak na sabi ni Marape. Marahas kong itinutak ang ina ni Marape. Pasalamat ito at mabait pa ako sa kanila. Pagkatapos akong sampalin ng walang kaabog-abog. “Mga walang kwenta kayo!” ag

