Isang buntonghininga ang aking ginawa. Agad na lamang akong kumuha ng alak para sa lalaki. Mamaya ako kukuha ng alak para ibenta ko naman sana lang ay maalala ko. Paglabas ng pantray ay nakita ko ang nurse na kausap ni Mr. Kent. Dali-dali akong lumapit sa lalaki upang ibigay ang alak na kailangan nito. “Dito tayo, Mr. Handsome,” anas ng nurse sa akin. Nagulat pa nga ako dahil hinawakan ang aking kamay at hinila papunta sa kabilang upuan. Napatingin naman ako kay Mr. Kent na ngayon ay umiinom ng alak. Ngunit ang mga mata nito ay nakatingin sa akin. Mabilis akong umiwas ng tingin. Iwan ko ba, kakaiba kasi ang tingin ng lalaki para bang may alam ito sa aking lihim. Pagkatapos gamutin ang aking sugat ay nagulat ako nang hawakan ng nurse ang aking kamay. “May cellphone number ka ba, Tul

