Nagtataka ako kung bakit tumawa ng malakas si Kimelines. Tuwang-tuwa talaga ito at parang baliw na nalipasan ng gutom. “Ano’ng problema mo, Kimelines?” “Wala naman! Kasi naman ang liit ng mundo at nagkita pa na naman kayo ni Mr. Kent. Tapos nalaman mo pa na, mag-ama pala sina Don Kerol at Mr. Kent. Ang pinakang matindi ay pinaglilingkuran ni tita Ewelyn ang ama ni Mr. Kent. Haynaku! Mukang exciting ito ng mga magaganap sa mga susunod na araw!” bulalas ni Kimelines, habang nakangisi sa akin ang pasaway kong kaibigan. Iiling-iling na lamang ako sumandal sa kinauupuan ko. Tama ito, maliit talaga ang mundo, dahil muling nagkita kami ni Kent Lucero. Nang makarating kami sa bahay ni Manang Ewelyn ay agad akong pumasok sa loob ng kwarto ko. Wala pa naman si Manang Ewelyn kaya matutulog muna

