Mabilis akong napayuko ng ulo dahil sa nakakatakot na tingin ni Kent. Nakita kong nakikipagmakay sa akin ang lalaki. Kaya no choice ako kundi ang tanggapin ang kamay nito. Nang magdaop ang palad namin ay naramdaman ko na sobang higpit nang pagkakahawak nito. At para bang may babala. Agad kong hinila ang aking kamay mula sa pagkakahawak nito. Mabuti na lang at talagang binitawan nito. Muli akong hinawakan ni Don Kerol upang dahil ulit sa sofa. Nagulat din ako nang sabihin nito na rito na ako kumain. Tatanggi sana ako ngunit nagbanta ito na hindi na raw niya ako pag-aaralin. Kaya no choice ako kundi ang mag-oo rito. Pagdating sa hapagkainan ay lalo akong nailang lalo na sa mga tingin sa akin ni Kent na para ba akong papatayin. Sa bawat pagsubo ko ay wala akong nalalasahan. Kaya ang nan

