(MINDA’S POV) SABAY KAMING napangiti ni Aclare. SIGURO'y sapat na muna ang dalawang babaeng ‘yon. Kapag maganda ang kita ay maghahanap ulit kami ng mga babae. “Ninang Minda, ngayon ko lang naisip. Hindi kaya na-scam tayo? Kasi puwedeng hindi na makipagkita sa atin ang dalawang ‘yon? Ang sampung libo natin, mas lalong biglang naging bato!” Palahaw ni Aclare. Bigla tuloy akong napahinto sa paglalakad. Pagkatapos at nagmamadali akong bumalik sa pwesto ng dalawang babae. Ngunit wala na sila rito. Oo nga pala nauna silang umalis sa amin. s**t! Napatingin naman ako kay Aclare na tila malaki ang problema. “HININGI MO ang cellphone number nila, Aclare?” tanong ko sa babae. “Hindi po, Ninang Minda.” “Ano? Akala ko’y hiningi mo, Aclare?” “Nagbigay lang ako ng calling card ko Ninang Min

