Nakita kong nagtinginan ang mga armadong lalaki na humarang sa akin. Hanggang sa pumayag na rin sila na umalis na ang taxi driver. Kahit papaano ay nakahinga ako dahil hindi mapapahamak ang driver. Kawawa naman kasi ito kung madadamay pa. Nakita kong lalapit na sa akin ang dalawang lalaki. Ngunit nagulat ako sa biglang pagsulpot nina Oreb, kasama ang mga kasamahan nito. Agad akong hinila papalayo ng tauhan ni Kent at sunod-sunod na rin ang narinig kong putok ng mga baril. Nang madala ako sa likod ng malaking bus ay nagbilin ito sa akin na huwag akong aalis sa rito, babalik din daw ka agad ito. Aalamin pa raw nito kung sino ang mga taong gusto akong ipapatay. Tanging pagtango na lang ang aking ginawa. Nang umalis si Oreb ay agad kong sinamantala ang pagkakataon. Dali-dali akong tumakbo pa

