Lalong nagsalubong ang kilay ni Kent habang nakatingin sa akin. Parang kinikilatis nito ang aking mukha. Mabilis tuloy akong umiwas ng tingin sa lalaki. Kailangan ko nang umalis dito at baka mabuko pa ako. Balak ko na sanang umalis nang may humawak sa aking pulsuhan nang mahigpit. Agad tuloy akong lumingon kay Kent. “Tingin mo ba ay hindi kita makikilala, Ceje…” bulong ng lalaki sa akin. Awang talaga ang aking labi. Mabilis ko tuloy hinila ang aking kamay para makalayo ka agad kay Kent. Ngunit ayaw akong pakawalan nito. “Bitawan mo ako, Mr. Kent. Gusto ko nang tahimik na buhay! Ayaw ko ng magulo!” mariing sabi ko. Ngunit magkakasunod itong umiling. Hanggang sa hilahin ako nito papunta sa kotse niya. Kahit ano’ng pagpupumiglas ko ay mas malakas ito. Walang kahirap-hirap na ipinasok ako s

