Hindi ko alam kung saan ako tatakbo. Baka ito na ang katapusan ko. Wala sa aking sarili na ipinikit ko ang aking mga mata. Ngunit may ilang sandali ang nagdaan nang walang bumangga sa aking kawawang katawan. “Magpapakamay ka ba, huh?!” Talagang halos mapatalon ako sa gulat nang nang marinig ako ang malakas na sigaw ng isang lalaki na pamilyar sa akin. Walang iba kundi si Kent Lucero. Nang lumingon ako rito ang kitang-kita ko ang pagkunot ng mga kamao nito. Parang kinikilatis ako nito. Balak ko na sanang humingi ng pasensya rito nang makita ko ang apat na sasakyan na ngayon ay papalapit sa amin. “Mamatay ka na, Mafia lord—!” Malakas na sigaw ng isang lalaki. “Dapa!” Sigaw ni Kent. Naramdaman kong may humila sa aking kamay at hindi alintana ang uling sa aking braso. Saktong dapa ko s

