Lalong nagsalubong ang kilay ko dahil sa mga sinabi nito. Ano raw? Hindi na ako virgin. Anong tingin nito sa aking basta na lang bumubuka kapag may lalaking gwapo ang kaharap. Inis kong hinila ang aking braso. Ngunit ayaw nito bitawan. Kaya surang-sura ako. Ngayon ako nagsisi na nakilala ko si Keb at Kent. Kung alam ko lang na magiging magulo ang buhay ko ay mas lumayo na sana ako. Nagulat naman ako nang isandal ako nito sa pader. Kasunod ang paghawak sa aking panga nang mahigpit kaya nakaramdam ako ng sakit. “Ito ang tandaan mo si Ceje! Hindi akong mapag- pasensyang tao. At mas lalong hindi ako katulad ng kakambal kong si Keb! Maikli lamang ang pasensya ko! Kaya umayos ka at natutong sumunod sa akin!” Sabay sakop nito sa akin labi. Kahit ano’ng pagpupumiglas ko ay ayaw akong bitawan ni

