(Aclare's POV) Bigla akong niyakap ni Daddy Owen. Narinig ko rin ang pakiusap nito na huwag akong umalis. Ngunit hindi ako nagsalita, kunwari nagtatampo pa ako rito. “Please, anak. Huwag mong iwan si Daddy. Hindi ko kakayanin na muli kang malayo sa akin,” anas nito. Pasimple tuloy akong napangisi. Iba talaga ang effect ng gamot na pinaiinom ko rito. Ako lang ang laman ng utak nito. Sa isip at puso nito ay ako lang ang mahal nito at nag-iisang anak niya ako. Ang sarap ng feeling na ganito. May amang naghahabol sa akin. Ngunit kailangan ko muna itong tiisin. Magpapabebe muna ako rito. Baka sakaling bigyan ulit ako ng pera nito. “Daddy, kailangan ko munang mag-isip. Saka ayaw ko rin naman na may nagagalit sa akin dito sa bahay mo. Bigyan mo po ako nang pagkakataon na mapag-isip ng maa

