Dali-dali kong kinuha ang papel. Diyos ko po! Hindi ko man lang nakita ang baso na may tubig na nasa gilid ko pala. Inis na inis tuloy ako sa aking sarili. Ano’ng gagawin ko ngayon? Kailangan ko itong patuyuin at baka sakalin ako ni Mr. Lucero. Ang tapang-tapang pa naman noon at talagang nakakatakot siya. May Gosh! Mabilis kong ipinasok sa loob ng aking damit ang papel na nabasa ng tubig. Pagkatapos ay dali-dali akong lumabas ng kwarto ni Mr. Lucero. Mabuti na lang at wala siya rito sa sala. Nang makapasok ako sa aking kwarto ay mabilis kong ini-lock ang pinto at baka pumasok ang lalaki. Hanggang sa kuhanin ko ang papel sa loob ng damit ko. Ngunit gusto kong maiyak ang makita kong may punit na sa gitna dahil sa basa ito. Agad kong pinagdikit ang papel at baka sakaling dumikit pa ito. Mal

