MABILIS din kaming napayuko ni Kimelines. Lalo at dinig na dinig namin ang malakas na putok ng mga baril sa buong paligid. Diyos ko po! May Gyera na talaga rito sa Isla Canar. Hindi na ligtas dito. Agad ko ring tinakpan ang aking tainga at mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Parang gusto ko na lang mahimatay at huwag nang magising habang buhay. Mayamaya pa’y naramdaman kong may humawak sa aking pulsuhan at agad akong hinila papalayo. Nang imulat ko ang aking mga mata ay tumingin ako sa lalaking may hawak sa pulsuhan ko. Nagulat pa nga ako nang makilala ko kung sino ito, walang iba kundi si Mr. Lucero. Mabilis namang umikot ang mga mata ko upang hanapin si Kimelines. Nakita kong kasama ito ng mga tauhan ni Mr. Lucero at sininakay sa loob ng kotse. Sana lang ay makauwi ng ligtas ang

