Kitang-kita ko ang mala-demonyong pagngisi ng hayop kong kalaban. Balak ko sanang kuhanin ang kutsilyo sa bulsa ng suot, nang marinig ko ang sunod-sunod na putok ng baril. Naramdaman ko rin ang pagluwag kamay nito na nasa aking leeg. Hanggang sa bigla itong bumagsak. Nakita ko ang pag-agos ng dugo sasahig. Narinig ko rin ang yabag ng paa na ngayon ay papalapit sa akin. Nang tingnan ko ito ay medyo nagulat ako sa mukha ni Mr. Lucero. Madilim ang tabas ng mukha nito at talagang galit na galit ito. Ngunit napansin kong may sugat ito sa noo. Nang tuluyan itong makalapit sa akin ay agad na hinawakan ang aking pulsuhan. Ramdam ko ang higpit noon tanda na ito’y nagagalit talaga sa akin. “Hindi ka talaga masabihan, Ceje? Lumabas ka pa rin!” Sabay hila nito sa akin papalabas ng bahay. Nakita

