(CEJE’S POV) Panay ang buntonghininga ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Naghihintay ako sa pagbabalik ni Mr. Kent. Ang sabi kasi nito kanina ay babalik ka agad at huwag akong lalabas ng kwarto, hangga't hindi siya dumarating. Ngunit may tatlong oras na ay wala pa rin ito. Kailangan ko nang umuwi sa bahay. Sabagay alam naman ni Manang Ewelyn kung na saan ako ngayon. Bigla naman akong napangiwi na nang maalala ko ang ginawa ni Kent kaninang umaga. Ako ang nahihiya. Diyos ko po! Parang gusto ko na lang magtago sa ilalim ng kumunot at hindi na ako lumabas. Muli akong napatingin sa labas ng bintana dahil biglang dumilim ang buong paligid. Kasabay ng pagpatak ng ulan sa labas ng bahay. Anong nangyari? Samantalang kanina ay maganda ang sikat ng araw, tapos ngayon ay biglang bumuhos an

