Magkakasunod akong napalunok. Ngunit hindi ko na puwedeng ibalik ang hawak ko na maliit na box. Baka tanggalin naman ako sa trabaho ni Ma’am Sharek. Kanina lang ako nagsimula tapos tanggal ka agad. Ngunit paano nga kung delikado? Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba sa aking dibdib. Ngunit muli akong nagtanong sa aking kasamahan sa trabaho. “Sobrang dilikada ba talaga? Makakauwi pa kaya ako ng buhay?” tanong ko sa babae. Bigla namang tumawa ng malakas ang babae. Hindi tuloy maipinta ang tabas ng mukha ko habang nakatingin dito. “Makakauwi ka naman! Basta huwag na huwag ka lang gagawa ng hindi nila nagugustuhan. Kapag naibigay mo na sa kanila ang box na hawak mo puwede ka nang umalis doon…” bulong nito sa akin upang walang ibang nakarinig. Kung wala namang gagawin na masama sa akin

