Pagkagaling ko sa trabaho kinabukasan ay agad naming inalam ni Kimelines kung saang lugar rito sa lunsod naroon ang address na nakuha ni Kimelines. Talagang nagtanong-tanong si Kimelines sa mga kakilala nito. Aaminin kong mahirap hanapin ang address kung saan lugar ba ito. Hanggang sa may nakapagsabi sa amin na ang address raw na ‘yon ay isang malaking lupain at pagmamay-ari ng isang bilyonaryong tao. “Pupunta ka pa ba tayo, Ceje?” tanong sa akin ni Kimelines. “Oo, aalalim lang natin kung sino ang may-ari ng malawak na lupain na ‘yon, Kimelines …” bulong ko sa aking kaibigan. “Bigla akong kinabahan sa ating gagawin, huwag na lang nating ituloy, Ceje! Baka hindi na tayo makabalik pa ng buhay…” kabadong sabi ni Kimelines sa akin. Nagbuntonghininga na lamang ako. Nauunawaan ko naman ito

