Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamao. Dinig na dinig ko rin ang boses ni tiya Minda at galit na galit ito kay Kimelines. Hindi talaga nila ako titigilan, hanggang hindi nahuhuli nila! Talagang sabik na sabik silang makuha ang pitong milyong piso. Mga garapal sa pera. Ngunit hindi ako magpapakita sa kanila. Mga sakim sa salapi. “Ilabas ninyo si Ceje! Wala kayong karapatan sa kanya! Ako lang ang may karapatan sa kanya dahil pamangkin ko siya!” galit na sabi ni tiya Minda. At talagang sumigaw pa ito. Saka, ang lakas ng loob nilang pumasok sa bahay ni Manang Ewelyn na walang pahintulot nito. Gigil na gigil din ako kay Aclare! Eh, kaya lang naman niya ako gustong makuha dahil sa pitong milyong piso. Pati ama nitong pulis ay hinahanting na rin ako dahil sa pintong milyong piso. “Bakit ba

