(ACLARE’S POV) AGAD na inilayo sa akin ang kwintas ni bruhang si Sonake. Gigil na gigil ako habang nakatingin sa babae na asawa ni Mr. Owen. Patulan ko na kaya ito? Inis na inis na ako rito. Ngunit ang sabi ni Ninang Minda ay kailangan kong maging mabait at kuhanin ang loob ng asawa ni Mr. Owen. Upang tanggapin na ako nito. “Tita Sonake, sa akin po binigay ni daddy Owen ang kwintas na ‘yan, bakit kailangan mong kuhanin sa akin?” tanong ko at nagkukunwaring maiiyak ako. Ngunit malakas na tumawa ang babae. “Huwag ko akong matawag-tawag na tita, hindi kita kadugo at mas lalong hindi kita kayang tanggapin na anak ni Owen. Oo, pumayag ako na ipahanap ka, ngunit wala sa plano ko ang tanggapin ka! Siya nga pala, Aclare. Para naman may silbi ka, linisan mo ang aming kwarto! Hindi naman puwed

