Nanlalaki talaga ang mga mata ko nang makita ko ang mga patak ng dugo. Kaninong dugo ito? Kabado tuloy akong humakbang papasok papasok sa loob ng bahay. Ngunit bigla akong napaurong nang makita ko ang isang lalaking may hawak na kutsilyo. May bahid din na dugo ang kutsilyo. Sinong sinaksak nito? Magkakasunod tuloy akong napalunok. Bigla kong naalala si Manang Ewelyn. “Sino ka? Ano’ng ginagawa mo rito sabay namin? Sinong sinaksak mo?!” halos pasigaw na tanong ko. “Ikaw na siguro si Ceje Bril? Mabuti naman at ikaw na ang kusang nagpakita sa akin. Hindi ko ako pinahirapan— Pasensiya ngunit kailangan mong mamatay!” Mabilis itong lumapit sa akin habang nakaangat ang kutsilyong hawak nito. Hayop! Hindi aako papayag na basta na lang mamamatay. Mabilis kong kinuha ang isang paso na pinagla

