Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa lalaki nang makita kong imumulat ito ang kanyang mga mata. Nagpakayuko-yuko rin ako. Parang ayaw ko nang tumingin sa lalaking ito. Talagang inayos ko rin ng husto ang aking seat belt, oras na lumiko na naman ang kotse ay hindi na ako tatalsik papapunta kay Kent. Nakakahiya baka isipin ito ay sinasadya ko ang lumapit sa kanya. Pasimple naman akong tumingin kay Ober na pasaway, tila kasi sinasadya. Iwan ko ngunit sa ngisi nito ay parang may ginawa nitong kalokohan. Ayaw ko namang punahin ito ay baka mapahiya lamang ako. Dahil puwede nitong itanggi. “Ceje, may gusto akong malaman, ang gusto ko ay magsabi ka ng totoo sa akin,” anas ni Mr. Kent. Bigla tuloy akong napalingon sa lalaki. Medyo nagtataka rin ako sa mga itatanong nito sa akin. Ngunit tanging pa

