Nagising ako na parang may nakatingin sa akin. Dahan-dahan ko tuloy iminulat ang aking mga mata. Mabilis akong lumingon at agad na nagtama ang mga mata namin ni Kent. Seryo itong nakatingin sa aking mukha. Hindi ko alam kung anong nasa utak nito o baka binabasa nito ang nasa utak ko. Mabilis akong bumangon. Kailangan ko nang makauwi at baka nag-aalala na sa akin si Manang Ewelyn. Hanggang sa mapatingin ako sa wall clock. Nakita kong alas-kwatro na ng hapon. Ngunit bigla akong napahawak sa aking tiyan nang maramdaman kong kumulo ito tanda na ako'y nagugutom na. “ Pasensiya na po kung nakatulog ako, aalis na po ako, Mr. Kent —” Ngunit bigla nitong inangat ang kamay upang pahintuin ako sa pagsasalita. Hanggang sa dahan-dahan itong lumapit sa akin. Hindi tuloy ako makakilos, tila dumikit

