Mabilis akong umiwas ng tingin sa lalaki. Dali-dali akong tumalikod at agad na pumasok sa loob ng banyo. Agad kong ini-lock ang pinto. Ngunit ang aking dibdib ay puno ng kaba. Parang may naghababulan na mga daga sa loob ng dibdib ko. Parang ayaw ko nang umalis dito sa loob banyo. Sobrang nakakahiya kay Kent, nakita nito ang buong katawan ko na walang saplot. Ahhh! Nakakabaliw. Dali-dali na lamang akong naglagay ng damit sa aking katawan. Ngunit nagdalawang isip pa ako kung lalabas ba ako ng banyong ito. Panay tuloy ang buntonghininga ko. Bahala na nga! Kailangan ko nang umalis dito. Nang buksan ko ang pinto ng banyo ay nakita ko agad ang bulto ni Kent. Seryoso itong nakatingin sa harap ng laptop. “Mr. Kent. Puwede na po ba akong umalis para umuwi sa bahay namin?” tanong ko sa lalaki.

