(ACLARE’S POV) Mariin kong ikinuyom ang aking kamao. Tama lang ang ginawa ng aking Ninang Minda na magdagdag ng kwento upang masira si Sonake kay Daddy Owen. Gusto ko talagang mapalayas ang bruhang ‘yon dito sa bahay na ito. Dapat nga aking ang bahay na ito. At wala na ritong kahati ang mga anak ni Owen. Ngunit darating din ang araw na magiging akin ang mansiyon na ito. Hanggang sa muli akong tumingin kay Daddy Owen. “Daddy, sinusunod ko naman po ang lahat ng pinag-uutos sa akin ni tita Sonake. Ngunit galit pa rin siya sa akin. Alam ko naman na ayaw niya sa akin dahil ang palagi niyang sinasabi ay anak ako ng kabit mo na Mommy ko rin naman. Tinanggap ko po ‘yong mga salitang masasakit. Ngunit ang mas masakit pati ang ATM mong binigay sa akin ay kinuha niya. Hindi raw po ako nababagay bi

