Dali-dali akong umalis sa aking pwesto. Hindi na nga ako lumingon. Alam kong nagtataka si Agepoy dahil bigla akong tumakbo papalayo sa kanya. Sana lang ay hindi nito nakita ang ginawa ni Kent na paghaplos sa aking beywang. Magkakasunod tuloy akong pahinga ng malalim. Kabado bente talaga ako. Agad kong hinanap si Kimelines kung saan ito nakapwesto. Agad ko naman itong nakita. Napansin ko rin ang upuan sa tabi nito na walang nakapwesto na tao at inilaan talaga sa akin ni Kimelines. Nang mapalingon sa akin ang kaibigan ko ay agad niya akong tinawag. Balak ko na sanang humakbang nang may tumawag sa akin na isang babae ang boses. Mabilis akong lumingon dito. Dali-daling lumapit sa akin ang babae. Ngunit nagulat ako dahil sa alcohol na inabot nito. May maliit din na papel. Nagmamadaling umal

