Nahinto ang aking sasabihin na palusot kay Manang Ewelyn. Wala kasing pumasok na matino sa aking utak. Talagang gulong-gulo ako. Ngunit naghihintay si Manang Ewelyn na sagot mula sa akin. Bahala na nga. Alanganin muna akong ngumiti rito. “Kinagat po ng langgam, Manang Ewelyn. Sobrang sakit nga po!” Kabadong sabi ko sa Ginang. Nag-aalala ako at baka hindi ito maniwala sa akin. “May ointment ako sa kwarto ko. Lagyan mo, kuhanin mo lang 'yon! Kailangan ko nang umalis. Ikaw na ang bahalang magsabi kay Kimelines kung nasaan ako. Mag-iingat kayo rito Ceje,” anas ng Ginang. Bago ito umalis ay nagmano muna ako rito. Nang umalis sa aking harapan si Manang Ewelyn ay bigla kong nahawakan ang aking labi. Diyos ko po. Parang namaga nga! Tinudo kasi ni Mr. Lucero ang paghalik sa aking labi para bang

