Kitang-kita ko rin na natakot ito dahil sa dugong lumabas sa ilong nito. Panay ang sigaw nito para tawagin si tiya Minda upang humingi ng tulong, duwag pala ang babaeng ito. Mayamaya dali-daling lumabas ang tiya Minda ko at agad na lumapit kay Aclare. Kitang-kita ko sa mukha ni tiya Minda ang pag-aalala para sa inaanak nito. “Ninang Minda, sinaktan ako ng babaeng ‘yan! May dugo ang ilong. ko!” umiiyak na sabi ng babae at para itong batang paslit na nagsusumbong. Parang aping- aping. Ako lang naman ang kaharap niya, ang basurang tinatawag niya. “Hayop ka talaga Ceje! Humanda ka sa akin, pagbalik ko ko rito!” Malas na sigaw ng tiyahin ko. Agad nitong ipinasok sa loob ng bahay si Aclare lalo at panay ang agos ng dugo sa ilong nito. Dapat lang ‘yon sa kanya. Wala akong pakialam kung pulis an

