Napatingin naman ako kay Mr. Lucero nang pumasok na rin siya rito sa loob ng sasakyan. Diyos ko po! Para akong mahihimatay sa bango ng lalaking ito. Ngunit hindi dapat ako humanga rito lalo at parang kuya ko na lang ito. Pakiramdam ko’y naiihi ako. Ngunit nanlalaki naman ang aking mga mata nang makita ko si Mr. Lucero na papalapit sa akin. Balak ko sanang ilayo ang aking sarili nang hawakan nito ang aking pulsuhan. Medyo napahiya ako dahil lalagyan lang pala ako ng seat belt sa aking katawan. Nang umalis ang kotseng sinasakyan ko ay nakatingin lamang ako sa bintana, lalo at pinaghalong takot at kaba ang aking nararamdaman ngayon. 'Yung tingin ng lalaki ay parang lalapain ako ng buhay kaya iwas na iwas akong mapadako ang tingin sa mga mata ni Mr. Lucero. Hindi ko nga alam kung saan kami

