Kasalukuyan akong naglilinis ng kwarto ni Aclare nang biglang bumukas ang pinto. Tuloy-tuloy na pumasok ang babae rito sa loob. “Pakilagay mo rin ang mga damit ko sa loob ng cabinet, Ceje,” utos nito sa akin. “Opo, ate Aclare.” “Ate? Tinawag mo akong ate? Hindi kita kapatid para tawagin akong ate. Saka, hinding-hindi ko matatanggap na kadugo ang isang tulad mo, My Gosh!” Tila nandidiri pa ito sa akin. Iiling-iling na pinagpatuloy ko na lang ang aking ginagawa. Hindi pala ito kaganhadan, sa biglang tingin lang pala ito maganda. Masama rin ang ugali nito. TALAGANG magkasundo sila ng tiyahin ko. Pagkatapos kong maglinis ay agad kong inasikaso ang mga damit ng babae. Ngunit muling bumukas ang pinto at iniluwa ang babaeng matapobre. “Ceje! Nag- alcohol ka ba ng kamay bago mo hawakan

