Chapter 17.1 Mahina akong humihikbi hanggang makarating kami ni Brent sa bahay. Pinunasan ko ang luha na dumantay sa aking pisngi bago ako lumingon kay Brent. Pinilit kong ngumiti sa kanya pero bakas sa mata nito ang pag aalala. Hinawakan niya ang kamay ko at hinaplos yun. "I'm here Laina. If you need someone, I'm always here for you" seryoso nitong sabi na nakapagdulot ng saya sa aking puso. "Thank you, Brent. I really appreciate what you did today" pagpapasalamat ko dito. "Anything for you, Laina" nagulat ako ng patakan nito ng halik ang aking palad. Mabilis kong kinuha ang aking kamay at alanganing ngumiti sa kanya. "Sige, una na ako" hindi ko na hinantay pa ang isasagot nito at nauna nang bumaba. Bago pumasok sa bahay ay ngumiti muna ako. Ayokong malaman nila na may pinagdadaa

