Chapter 18.1 Bagsak ang mga balikat ko nang pumasok ako sa school. Wala akong pinansin sa mga kapatid ko dahil mabigat pa rin ang nararamdaman ko sa pag alis ni Jeah. Pagkaupo ko sa classroom ay agad akong humiga sa armchair nito. Wala talaga akong gana ngayon. Parang gusto ko lang umiyak ngayon buong araw. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. "Laina, can we talk?" boses iyon ni Brent. Napairap ako dahil hindi ko na kailangan ng dagdag sakit sa ulo para sa araw na ito. Umayos ako ng upo at hinarap ito. "Brent, let's just forget what happened. You're just drunk and I understand na dala lang ng alak. I don't want to remember it" paliwanag ko dito. Tumango lang naman ito sa akin bilang pag sang ayon. "Laina, look sa student's page" sabi ng isang kaklase ko. Kinuha ko ang phone k

