Restaurant
Habang papasok sa trabaho si jasmine ay tila hindi siya mapakali kinakabahan siya sa di malamang dahilan.
Malakas pa naman ang ulan at nabasa pa nga siya ng makalimutang dalhin ang payong.
Pagpasok sa resto dumiretso na siya sa kanyang locker nagbihis at saka nagtime in na rin.
Normal lang ang mga sandaling iyon ng di niya sinadyang marinig usapan ng dalawang lalakeng costumer.
Costumer 1: "Narinig mo ba ang balita kanina sa local news tv channel may nadisgrasyang sasakyan malapit sa bayan."
Costumer 2: Hindi, e bakit anong nangyari?"
Costumer 1: Muntikan ng mahulog sa bangin ang isang truck na may kargang mga gulay.".
Costumer 2: Ligtas ba ang mga nakasakay?"
Costumer 1: Sabi di pa alam ang lagay pero naisugod naman agad sa ospital.
Costumer 2: Naku...mabuti naman kung ganon tiyak na masakit iyon sa kalooban ng kanilang pamilya.
Hanggang doon nalang ang narinig niya ng may pumasok na bagong costumer.
Makalipas ang ilang oras na pagseserve sa mga costumer ay nagbreak time muna si Jasmine. Naisip niyang tingnan ang cellphone kung may tawag galing sa barrio ...sa pamilya niya.
Napansin niyang maraming miscalls sa history log ng kanyang cellphone...
Ang mama niya pala ang tumatawag. Nag return call siya sa ina.
Bakas sa mukha niya ang labis na pag alala ng mga oras na iyon.
"Hello."di pa niya natapos ang sasabihin ng biglang nagsalita ang ina.
"Jasmine naku anak buti naman at tumawag ka kaagad."
"Bakit po mama ano po nangyari?"
"Anak... nasa o..ospital ako ngayon at na...na disgrasya ang papa at mga kuya mo!"naiiyak na wika ng ina."
"Huhuhu...m...mama kumusta ho ang lagay nila?"
"A...anak...malubha ang lagay ng papa mo...umiiyak na nagsasalita ang ina...
"Sila kuya po...? nanginginig ang boses na nagsasalita habang kausap ang ina pinipigilang huwag maiyak"
"Nagtamo ng galos at sugat sa katawan anak pero hindi naman daw malubha."
"Salamat naman kng ganon..."
"A..anak paano na tayo kailangan ng malaking halaga para sa operasyon ng papa mo hindi sapat ang naipon naming pera ng papa mo."wika ng ina.
"Gagawa po ako ng paraan ma huminahon po muna kayo."
"Sige anak...bye na ingat ka rin diyan.
"Opo ma...bye"
Bumalik sa trabaho si jasmine ngunit walang ganang kumilos.
Agad namang napansin iyon ng kanyang mga kasama at ganon din ang manager.
"Jas...bakit ang putla mo masama ba pakiramdam mo?tanong ni Cheska.
"Are you okay jasmine?ang manager
"Huhuhu.. bad news po mam nadisgrasya ang sinasakyan ng papa at kuya ko nasa critical na kondisyon po si papa!
"Hala...calm down ka muna jasmine magpakatatag ka huh hija."wika ng manager.
"Heto inom ka muna ng tubig jas."inabutan ng tubig ni cheska si jasmine.
"Salamat po ate."
"Mabuti pa ay mag out ka na muna hija total e wala ng masyadong costumer para makapagpahinga ka muna."
"Sige po...maraming salamat po."
Hinang hinang umuwi ng bahay ang dalaga.
Namamaga pa ang mga mata sa walang tigil na pagbuhos ng kanyang mga luha.
Tiningnan ang litrato ng pamilya habang humahagulhol.
"Lord, alam kong hindi mo kami pababayaan!"
"Iligtas niyo ang papa ko hindi ko po makakayang mawala ang isa sa pinakamamahal kong magulang Lord."
Di na namalayan ni Jasmine kung paano siya nakatulog yakap yakap pa niya ang litrato ng kanyang pamilya.
Ang bigat ng dibdib niya at naalilito kung ano ang unang gagawin.
Tuliro sa kanyang silid.
Mag isang lumuluha.
Nadagdagan pa ang sakit na maramdaman ng marinig ang mga malulungkot na kanta ng kanyang katabing kwarto.
Para bang gusto na muna niyang maglaho sa mundo ng mga oras na iyon!