Jasmine's pov
Hindi muna ako pumasok sa school at sa trabaho. Pinuntahan ko muna ang mama ko sa ospital kung saan naka confine ang aking ama at mga kapatid.
"Ma..kumusta na po sila?tanong ko kay mama.
"Anak..ang mga kuya mo ay medyo okay na nasa ward na sila."
"Si papa po nasaan siya?
"Nasa ICU pa siya anak at bawal siyang dalawin.
"Magkano daw po ma ang aabutin sa operasyon ni papa?
"Anak nasa kalahating milyon daw anak.
"Ang laki naman saan naman natin pupulutin yon mama di din sapat ang sahod ko.
"Yun na nga anak nahihiya din akong lumapit sa mga kamag anak natin lalo na sa side ng papa mo alam mo namang ng dahil sa akin ay nawalan siya ng mana! malungkot na wika ng aking ina.
"Huminahon po kayo mama. May awa ang Diyos sa atin hindi niya tayo pababayaan ma tiwala lang po ang kailangan!"payo ko kay mama na nagsimula na namang umiyak.
"Sana nga anak dahil hindi ko matatanggap na may masamang mangyari sa papa mo.
"Ma tama na po hindi ko rin hahayaang mangyari yon.
"Pahinga na po muna kayo ma ako na ho bahalang tumingin kila kuya.
Pinuntahan ko sa ward ang mga kapatid ko at naabutan ko silang tulog pa rin.
Nakakaawang pagmasdan.
Pinahiga ko na muna si mama sa maliit na extra bed ng ospital.
Agad naman siyang nakatulog. Habang ako ay tuliro kung saan kukuha ng kalahating milyon. Hanggang sa naalala ko ang pabor ng aking boss.
Balak kong tawagan ito pero nagdadalawang isip pa rin ako. Bahala na si Lord sa akin sabi ko sa sarili ko.
Pagkagising ni mama ay sinaluhan ko muna siya sa pagkain saka ako nagpaalam na babalik na sa boarding house. Tatawagan ko na lamang siya pag may magpahiram sa akin na alam ko naman sa sarili ko na malabong mangyari.
Sino ba naman kasi ang magpapahiram ng ganong halaga sa itsura kong to na isang working student kahit nga siguro ibenta ko pa itong katawan ko walang bibili ng ganong halaga.