Boss' favor

669 Words
Jasmine's pov Pagkatapos ng aming klase ay dumiretso ako sa pinapasukan kong restaurant. Nadatnan ko naman ang aming boss may ari ng restaurant na pinapasukan ko. Siya po pala si sir Charlie Buenaventura may ari ng mga sikat na resto at hotel dito sa isla. Bihira lang itong pumarito sa isla dahil siya ay tubong Bacolod City. Madami rin kasi etong inaasikasong negosyo kagaya na lamang ng "Las islas de Boracay hotel&suiteś" isa sa mga sikat na hotel dito sa isla at sa ibang parte ng rehiyon. Mabait na amo at napakalambing na lolo para ko na kasi siyang lolo. Lalo na pag nagsalita eto minsan ng Ilonggo o Hiligaynon kahit na galit na ay parang wala lang. Yun kasi ang dialect dito sa isla pero mas komportable ang mga taong magsalita ng tagalog dahil mostly ay taga Luzon ang mga bakasyunita ng isla. Nilapitan ko at binati. "Magandang hapon po sir Charlie. "Magandang hapon din hija." "Halika muna rito hija... sabayan mo akong kumain ng dinner."yaya niya sa akin. "Sir... wag na po busog pa ho ako saka oras na po para magduty ."pagtanggi ko sa kanya. "Ikaw talaga hija nagawa mo pang tumanggi sa offer ko nagdadiet ka yata hija?"biro niya sa akin. "Hindi naman po sir talagang busog pa po ako."sagot ko sa kanya. "Halika na hija at wag ka nang tumanggi pa 'tong batang to nagawa pang tumanggi sa amo.^-^ Bawal tumanggi sa grasya hija... saka gusto ko lang naman may kakuwentuhan habang kumakain at saka may pabor sana akong hihingiin sayo hija."wika niya . "Sige na nga po sir."pagpayag ko. Ganon na nga ang nangyari sinamahan ko muna ang amo kong kumain sa isang dining table ng restaurant habang wala pang masyadong tao. Medyo naiilang pa din ako sa kanya kahit na matagal ko na etong kilala at nakasama dahil na rin siguro sa position mg aming buhay Boss ko siya at ako naman ay isang di hamak na empleyado ng restaurant niya! "Hija...yung apo kong lalake ay darating ngayong buwan galing Europe." kwento niya sa akin. "Ah ganon po ba sir."sabi ko. "Hija may boyfriend ka na ba?" tanong niya. "Huh..ah wala pa ho sir busy po sa work at school no time for relationship hehehe."natatawang sagot ko sa kanya. "Mabuti naman kung ganon ipakilala ko sa iyo ang apo ko hija okay lang ba sayo?." "Ay...wag na po sir nakakahiya po di po kami bagay ng apo mo. "tugon ko. "Pwede bang humingi ng pabor sa iyo hija kung iyong mamarapatin..tanong niya" "Ano po yun sir? "Pwede ka bang magkunwaring asawa ng apo ko pansamantala tanong niya sa akin." "Ho...! bakit po gulat kong tanong. "Ah...hindi ko kasi gusto yung mga babaeng umaaligid aligid sa apo ko alam ko namang pera lang ang habol ng mga yun."paliwanag niya. "Mahirap po atang pinapagawa niyo sir baka di ko kayang gampanan iyan."tugon ko sa kanya. "Matutunan mo rin iyon hija tiyak na magugustuhan ka din ng apo ko."sabi niya. "Stubborn at sarcastic nga lang iyon lalo na sa mga babae."pero malay mo mag iba ang pagtingin niya pag nakilala ka niya hija" "Ay...malabo naman ata yon sir...saka lalo naman pong hindi ako magugustuhan ng apo niyo sir isang hamak na empleyado niyo lang ho ako dito e."paliwanag ko kay sir. "Subukan mo lang hija wala naman sigurong mawawala may reward ka sa akin pag pumayag ka."sabay irap sa akin ni sir. "Pag isipan ko pa po sir ang pabor niyo." Saka ako humingi ng pahintulot kung maari'y bumalik na sa aking trabaho. Mabuti naman at pinayagan niya ako dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan naming dalawa gusto ko lang talagang umiwas sa mga usapang relasyon. Ni hindi pa nga ako nakapagtapos at ni hindi ko pa nga na-enjoy ang pagiging dalaga ko. Sa ginagawa kong ito e talo ko pa ang pamilyado. tsk.!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD