Campus

656 Words
Jasmine's pov Pagpasok sa eskwela ay nakita naman niya ang kaibigang si jane kasama ang boyfriend nitong si Paolo. Nilapitan niya ang mga ito. "Hi…lovebirds aga niyo ah hehehe pagbati niya." "Oy...inggit ka na naman girl magboyfriend ka na rin kasi para mas happy.!"pabirong wika ng kaibigang si Jane. "Kumusta ang work?" tanong ni Jane. "As usual kapagod maging waitress lalo na kahapon daming tao."tugon niya sa kaibigan. "Pero keri lang perstaym ko makatanggap ng regalo sa korean costumer namin." Binigyan ako ng kape hehehe." "Himala ata di ba mga kuripot mga yun?" saad ni Jane. "Kaya nga e."tugon niya kay Jane. Pumasok na sa kani kanilang subject ang magkaibigan. Few hours passed and it's lunch time. "Bilis ng oras ano parang wala akong naintindhan sa last kong subject."wika ni Jasmine sa kaibigan. "Oo nga eh mahirap pala tong kursong kinuha natin."dagdag pa ng kaibigan. "Tara lunch muna tayo sa canteen."si jane. "Okay sige." Pagkatapos kumain ay naglakad lakad naman sila sa loob ng campus. "Teka nasaan pala si Paolo bakit di sumama sa atin ngayon?"tanong ni jasmine sa kaibigan. "Ah kasama mga tropa niya."sagot naman ni Jane. "Ganon ba." si jasmine. Habang naglalakad ang magkaibigan sa kahabaan ng hallway ay nasalubong naman nila sila Jayson at mga kaibigan nito. "Jane...Jasmine...tapos na ba kayo kumain?"tanong ni Jayson sa dalawang dalaga. "Oo babe...sagot naman ni Jane sa boyfriend." "Mabuti naman kung ganon."wika ni jayson. "Hello jasmine pahingi naman ng number mo gagraduate nalang tayo di ko manlang alam number mo."wika ng isang kaibigan ni paolo na si Eric. "Ah...Eric pasensya ka na pero ayokong ibigay sayo e.Alam ko naman na balak mo sa akin."tugon ni Jasmine. "Bakit bawal ba manligaw sa katulad mong maganda...gwapo naman ako ah natural lang na ikaw ang gusto kong ligawan."wika ni Eric. "Pasenya ka na Eric pero tapatin na kita sa ngayon wala pa akong panahong makipag boyfriend e."sagot ni jasmine. "Okay lang jasmine kaya ko namang maghintay ikaw pa ba ilang buwan nalang e graduation na natin baka may time ka na akin."wika ni Eric. "Kahit na di ko pa din pwedeng ibigay number ko sayo ayoko ng may nangungulit sa akin e."sabi ni jasmine. "Okay fine di kita pipilitin."sabi ni eric. "Salamat!"wika niya. Pagkatapos non ay tumalikod na rin ang magtropa na para bang nabuhusan ng malamig na tubig. Hindi alam ni Jasmine kung paano iiwasan si Eric nararamdaman niyang nalungkot sa sinabi niya ang binata. Sa totoo lang eh hindi si Eric ang type niyang lalake. "Beshie, bakit parang natulala ka diyan?" "Ha! ah ano e nalungkot din kasi ako na binasted ko si Eric alam kong mabait naman siyang tao pero ano e hindi kasi siya ang type kong lalake." "Kungsabagay sino ba naman kasi magkakagusto sa tukmol na yon e ang presko!"dagdag pa ni Jane. "Well, may pont ka diyan beshie hate ko talaga mga lalakeng presko at saka isa pa wala pa sa vocabulary ko ang magboyfriend talaga!" "Pssst...sige ka ikaw din wag magsalita ng patapos at baka malaman laman nalang namin may tinatago ka diyan sa mahiwagang baul mo!"sabay tawa ng malakas ng kaibigang si Jane. Masayang nagkuwentuhan ang magkaibigan sa kahabaan ng hallway. Oras na para sa huling subject nila. Sabay silang lumabas ng campus ni Jane. Nakita niya rin sila Paolo at tropa nitong si Eric. Napansin naman ni Eric na nahihiya ang dalagang tingnan ito kaya umiwas nalang siya ng tingin para hindi maging akward ang paligid. Di bale at ilang buwan nalang naman ang hihintayin niya. Tiyak na hindi na sila magkikita pang muli sa campus ng manliligaw niya. Dali dali namang umalis si Jasmine sa unibersidad. Pumara ng sasakyan para pumasok sa resto. Sakto at wala masyadong nag aabang ng sasakyan kaya mabilis naman siyang nakasakay papunta sa trabaho niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD