PROLOGUE
Basco Hospital isa sa mga prehistiyosong hospital sa Las Villas.Nakaabang sa b****a nang hospital ang mga hospital staff,doktor at nurses. Mag -iisang taon narin ng lumabas at nanghawa ang isang sakit at naging sanhi ng epidemya.Dumating na ang hinihintay nang lahat ang dalawang truck na lulan ang gamot na galing sa Estados Unidos.Huminto ito at bumaba ang mga tao sa truck at kinuha ang mga kahon na may laman na vaccine at binaba ito sa cartwheel.Lumapit sa kanila ang head doctor na si Doctor Santos na nakangiti.
Linibot niya ang kanyang paningin at saka ibinaling balik sa lalaking may takip ang mukha na siyang nag drive ng isa sa mga truck.
“Where is Doctor Williams?”Tanong ni Santos sa kanila ng mapansin wala ang doktor na sasalubungin niya.Nagkatinginan muna silang mga trabahador bago niya sinagot ang doktor.
“Hindi po namin alam.Ang sabi lang sa amin ay ihatid ang mga bakuna sa Basco Hospital.”
Napatango nalang si Doc. Santos at agad inutusan ang mga kapwa doktor na dalhin na ang mga vaccine at umpisahan nang turukan ang mga nahawang pasyente.
Pinanood lang ng iba ang pag -alis ng truck.Samantalang nagpasyang pumasok sa loob si Doc Santos.Kahit pagod na ito ay nagawa niya paring basahin ang mga papeles sa kanyang lamesa.ngunit nawala ang atensyon nito sa isang nurse na dali-daling pumasok sa kanyang opisina.Napakunot -noo si Doc. Santos sa kanya ngunit hindi ito pinansin ng nurse,kung hindi ay mabilis na hinatak niya ang doktor at pinasilip sa labas.Tila natigilan ang doktor sa kanyang nakita.