CHAPTER 6: DELUXE MISSION

4503 Words
Napamangha sina Kiro,Shin at Yvosia ng tumambad sa kanila tila ba nakakita sila ng palasyo o mini version nang palasyo.Bago sila pumasok sa malaking itim na gate ay pinahinto sila ng mga guardia at tinanong kung ano ang kailangan nila ngunit nang makita nila si Pria ay agad silang pinapasok sa loob nang malaking bahay.Nag parking si Kiro sa tabi nang iba pang malaking sasakyan.Tumambad sa kanila ang isang malaking fountain malawak na grassland,matayog at malaking bahay na ang ukit at disenyo ay hango sa europa at gresya. "We're here,Welcome to Casa del Senador!" Masayang saad ni Pria at napatalon palabas nang sasakyan. Agad namang sumunod sa kaniya ang kaniyang mga kasama.Inilibot ni Yvosia ang kanyang katawan na para bang isang kasambahay na naging prinsesa dahil sa mahika. Napasambit naman ng kung anong lenggwahe si Shin at tila bang nasa isang panaginip siya.Nakasandig sa sasakyan si Kiro at napa sipol na lang sa kanyang nakita. Habang si Hence ay tila sanay ng makakita nang ganitong bahay sapagkat ang kanyang pamilya ay nabibilang sa ganitong estado. "Ang laki pala ng bahay nang isang senador,eh baka malaki rin ang bahay nang isang ambassador diba Hence dapat imbitahan mo rin kami doon paminsan minsan," Pagbibiro ni Kiro sa kaniya ngunit hindi man lang ito tumawa at naglalakad papuntang sa malaking pintuan. "Hindi ba nakakatawa joke ko?,sabi ko ga tatahimik na ako." Binatukan siya ni Pria at hinila papuntang pintuan.Sumunod naman si Yvosia at Shin na umarte ng parang mga prinsipe at prinsesa. "Welcome back,madam Pria!" Salubong ng mga kasambahay sa kaniya at yinakap siya nang mahigpit na mahigpit. "Sinong mga ulam este mga gwapo at matikas na dinala mo madam?" Pabulong na tanong ng isa sa mga kasambahay ni Pria.Bahagyang tumawa si Pria at pinapasok nang tuluyan ang kanyang mga kaibigan. "Everyone meet the handsome and crush ng bayan na si Kiro Huxley." Nakipag Kamay siya sa mga staff nang bahay ang ibang guardia ay kilala na ang pangalang Huxley dahil ang dating Chief of Police ay nangangalan ring Anderson Huxley na siya ang ama ni Kiro. "Welcome the Japanese friend of mine Shin Koike." Makipag Shake hands pa sana sila ngunit yumukod sa kanila si Shin kaya yumukod rin sila. "Also the very smart and one of a kind,shy type at childish I mean childlike person meet Yvosia Moureen." Nag-aalangan pa sa umpisa na makipag shake hands si Yvosia ngunit sa huli ay nakipag shakehands siya. "Also I know you already knew him as the Ambassador's son and Madam Veronica's unico hijo Hence Thunderson." Pinahid muna nila ang kanilang mga kamay sa kanilang uniporme bago inilahad upang makipag shake hands.Tinanggap naman ni Hence ang kanyang kamay at nakipag shake hands. "Hello po mga madam at sir ako si Norma ang Mayordoma ng Casa del Senador." Pagpapakilala ng babaeng malaki ang katawan,at nakaasul na uniporme.Nasa mid 50s narin ito pero hindi tumatanda ang kanyang mukha. "Sige po ate Norma akyat lang kami sa taas." Napatango naman ang mga kasambahay at saka bumalik sa kani-kanilang pwesto. Pria lead them to a big room.Pumasok sila doon at lumdag sina Yvosia at Shin sa kama habang sina Kiro at Hence ay napaupo sa dalawang silya katabi nang kama. "Ito yung guest room dito minsan natutulog ang ibang politicians na bisita ni daddy," Saad ni Pria at kumportableng tumabi sa kama kung saan lumundag sina Yvosia at Shin. "Should we take some rest muna,nakakapagod rin kaya mag drive ng sobrang haba," Suhestiyon ni Kiro at hinubad ang kanyang leather jacket ang suot niya lamang ay ang puting manipis na T-shirt .Clearly showing his well toned body and muscular arms.Napalunok na lang nang laway si Pria bago inaalis ang kanyang mata kay Kiro tila ba pinagtaksilan niya ang kanyang damdamin kay Hence. "Let's get to the business," Saad ni Hence at hinubad ang kaniyang blazer at umupo na para bang CEO nang isang kompanya.Ang tindig at hurma nang kanyang katawan ay nagpapakita ng mataas na antas nito,he have a muscular body a tanned skin, a sharp jawline,he also have a split in his left not so thick and not so thin eyebrow. "Hence!" Sigaw ni Shin at Kiro sa kaniya. "Hence pahingahin mo muna kami," Sabi ni Kiro sa kanya. "Wait,we can rest while doing a business". Napatingin naman ang lahat kay Yvosia. "Teka,I'm just going to get our food," Pagpapaalam ni Pria at iniwan ang kanyang mga kasamahan sa loob ng kwarto.Dumiretso siya sa likuran kung saan makikita ang kanilang kusina.Naabutan niyang naglilinis ang ilan sa mga kasambahay. "Ate Dona pwede po ba ako makahingi ng pagkain at drink narin para sa mga bisita natin salamat." Agad naman sinunod ng kasambahay ang utos ni Pria at kumuha ng malaking lalagyan upang doon ilagay ang mga pagkain.Na Palibot ang tingin ni Pria sa kanilang bahay ng namalayan niyang gabi na at wala pa ang kanyang mga magulang. "Ate Norma bakit wala pa sina mommy at daddy?" Tanong niya kay Norma na kakapasok lang sa loob ng kusina. "Ay butiki!, ano kaba Pria magtatanong lang nanggugulat pa.Nasa embassy ang mga magulang mo at may event silang dadaluhan.Ano nga yun ba parang vacci..vacci basta parang private event," Sagot nito at nilagay sa lababo ang mga hugasin.Napaisip naman si Pria kung anong event naman ang dadaluhan ng kanyang mga magulang. "Vaccnation event po ba?" Kabadong paninigurado ni Pria sa kanya. "Oo yun nga." Bumilis naman ang t***k ng puso ni Pria ng makompirma niya,kinakabahan siya na maari matulad ang kanyang mga magulang sa mga pasyente na tinurukan sa Basco Hospital. "Madam,ito na po yung inutos ninyong pagkain." Napa Kurap si Pria ng tawagin siya ni Dona sabay abot ng tray na may iba't ibang pagkain tulad ng mango float,roasted chicken,salad at iba pang beverages.Kinuha naman ni Pria ang tray at nagpasalamat saka lumingon sa mayordoma ng kanilang tahanan. "Ate Norma,puwede po bang wag niyo nang sabihan kina mommy at daddy na pumunta ako dito at saka aalis rin kami ngayon talagang tumambay lang kami dito." Gulat na napalingon naman sa kanya ang lahat ng mga kasambahay na naglilinis ng kusina. "Bakit?kakarating mo lang aalis ka agad,ilang taon narin tayong hindi nagkita," Panghihinayang naman na saad ni Norma,inilapag ni Pria ang tray ng pagkain at niyakap ang kanilang mayordoma na parang nanay niya rin. "Babalik pa naman ako next time,kapag natapos ko na ang pag-aaral ko at makuha ko na mismo ang hinahangad ko,promise babalik ako at hindi ko na kayo iiwan." Pinunasan naman ni Norma ang kanyang kamay at niyakap pabalik si Pria. "Oh sige basta mag-ingat ka ha,sabihan mo ako kung aalis na kayo dahil ihahanda ko lang ang babaunin niyo ha," Saad ni Norma at tinapos ang kanyang mga gawain.Bumalik naman sa itaas si Pria upang ibigay sa kanilang ang pagkain.Pagkabukas niya ng pintuan ay may pinag uusapan sina Yvosia habang nakatingin sa laptop. "Here is the food guys," Anunsyo niya pero wala ni isang lumingon sa kanya kaya na sigurado niyang importante ang kanilang pinagdidiskusyunan.Lumapit rin siya sa kanila upang makita ang kanilang pinapanood dahil napansin ni Kiro na hindi masyado makita ni Pria ang kanilang pinapanood ay sinabahin niya itong pumalit sila ng pwesto. Tinuon nila ang atensyon sa video,dalawang truck ang pumasok sa back entrance ng Basco Hospital na sinalubong ng ibang doktor at nars.Lumabas ang mga taong lulan ng truck ang isa sa kanila na nagmamaneho ng unang truck ay linapitan ng isang doktor,nag usap sila at pagkatapos na mailagay na ng mga tauhan ang mga boxes sa loob ng hospital ay nag shake hands ang doktor at ang taong kinakausap niya nag sialisan sila sa lugar at doon natapos ang video. "So do you mean nakuha mo talaga kanina Shin ang copy,galing naman!" Saad ni Yvosia sabay palakpak ng kanyang mga kamay. "You're right habang binabantayan ko ang area kung saan kinuha ni Kiro ang antidote ay inopen ko ang file ng CCTV kung saan nakalagay ang mga videos ng previous," Saad ni Shin at akmang sasaraduhin na ang laptop ngunit pinigilan siya ni Hence. "Wait,can you go back to the time where the doctor and the staff shake hands," Nagtaka naman ang lahat sa kaniya ngunit sinunod na lamang siya ni Shin at ibinalik sa clip na ni request ni Hence. "Pause that." Utos ni Hence at pinause ni Shin ang video,lumapit ng kaunti si Hence sa laptop. "Zoom it." Tinuro ni Hence ang braso ng driver,zinoom naman iyon ni Shin . "That's it,did you see the black rose tattoo?" Tanong ni Hence sa kanila, dahil hindi nila napansin iyon ay nilapitan nila ang laptop at tiningnan mabuti.Napa "ah" sila nang ma gets nila ang tinutukoy ni Hence. "So you mean may meaning iyang tattoo?" Tanong ni Yvosia kay Hence,napahinga na lang ng malalim si Hence at ibinaling niya ang kanyang atensyon kay Yvosia. "Maybe... black rose means death,there is something in here." Napatango si Yvosia sa kaniya at umupo sa kama dahil nangangalay narin ang kaniyang binti sakakatayo. "Parang familiar yung black rose na yan..."Saad ni Kiro at iniisip kung saan niya narinig at nakita ang tattoo na iyon. "Ahuh,It's the same tattoo of the terrorist members that was captured a few years ago," Kiro said before munching the fries in the bowl. "So in the meantime kain muna tayo,Tabemono wa shinjitsu de aru tame ni totemo yoidesu(The food is so good to be true)," Saad ni Shin at nilantakan ang roasted chicken na para bang wala nang bukas. "Guys,sabi ni ate Norma may event na ginaganap sa embassy," .Saad ni Pria at nag-alalalang humarap sa kanila. "It's normal,they always have an event." Saad ni Hence at komportableng pinagkrus ang kanyang paa at ininom ang soda na parang wine. "No Hence it's not just a normal event,ang event na ito ay hindi pinaalam sa public at private event masaklap pa ay vaccination event ito." Napatigil ang lahat sa kanilang ginagawa at hindi malaman kung anong reaksyon ang kanilang gagawin. "Saang embassy ba?,maraming embassy dito sa pilipinas," Tanong ni Kiro at bumalik sa pagkain. "There is only one country that gave us a vaccine and it's the US," Hence answered while closing his eyes and resting his legs on the table. "So it means, teka wait diba Hence Philippine Ambassador to the United States yung dad mo so pwede tayong makapasok doon dahil sigurado akong invited yung dad mo." Napatingin sila kay Yvosia at tumango-tango. "But Yvosia, you know that we shouldn't show them our presence,they will question why we are there,right?" Napatango nalang si Yvosia sa tono ni Hence ay para siyang batang sinesermonan nito. "So what's our plan now,hindi ko naman ma take na maging zombie sina mommy at daddy or maging bampira sila o kaya maging halimaw sila." Nagpapanick na saad ni Pria habang palakad lakad na tila nawawala na sa katinuan. "Chill,Pria, if there's a will there's a way." Sinubukang pakalmahin ni Shin si Pria sa kanyang mga salita. "What if we are going to use the strategy that we used earlier?" Kiro suggested, brushing his hair and waiting for their response. "In every case it should be fresh,we shouldn't eat the one that been vomit," Saad ni Hence at napatingin kay Yvosia na gumagawa ng imaginary line. "Wait,Shin is good in technology,"Pagbitin ni Yvosia. "Hai(yes),"Masayang sagot ni Shin. "Kailangan na nating sumugal kahit ano pa man ang mangyari sa atin." Napatingin sa kanya ang apat na may pagtataka. "Pria may mga extra kabang mga damit dito yung parang pang event talaga yung hindi pa ginagamit natin sa pang araw-araw ?" Tanong ni Yvosia.Napaisip naman si Pria kung meron ba silang ganoon. "Wait,my cousin always come here every two days -" Madaling lumabas si Pria sa kuwarto at maririnig ang kanyang mga mabilis na yabag sa hagdan.Ilang minuto pa ay bumalik siya dala-dala ang isang kahon. "Here is some clothes that my cousin always left here.Nagtatrabaho siya sa theater isa siyang designer ng mga damit at nagtatahi kaya may mga dala siyang ganyan.Babayaran ko na lang yung kukunin natin hindi naman siya siguro magagalit." Hinahalughug ni Yvosia ang kahon na tila ba may hinahanap ibinagsak niya sa kama ang mga napili niyang mga kasuotan.Nagulat si Hence nang biglang ilapit ni Yvosia ang mukha niya sa kanya na para bang sinusuri,umatras si Yvosia saka hinawi ang buhok ni Hence na makikita ng maayos ang kanyang eyebrow slit. "Pria, mukhang alam ko na kung ano dapat nating gagawin~" Pakantang tono na sinabi iyong ni Yvosia na lumingon kay Pria na tila alam na kung anong ibig sabihin ni Yvosia. Lumabas sa kotse sina Hence at Yvosia na nakasuot ng costume.Napag-alam nila na ang theme sa private party na ito ay masquerade.Niresearch din at hinack ni Shin ang system para malaman kung sinong mga politiko na maaring dumalo sa event. "Susunod kami ni Shin sa likuran," Saad ni Kiro bago itinaas ang tinted na bintana ng kanilang sasakyan.Tumango lamang si Hence at tiningnan si Yvosia na nakakapit sa kanyang braso.Tumango siya dito at naglakad sila papunta sa main entrance kung saan may isang babae na tumatanggap ng mga private invitations.Kinuha ni Hence ang invitation na ginawa at finorge mismo ni Shin sa kanyang computer. "Good evening ma'am and sir, can I have your invitation please?" Tanong ng babae na naka maskara rin,nang si Hence at Yvosia na ang nasa unahan ng linya.Binigay ni Hence ang isang green and black coloured na invitation card.Napatingin ang babae sa suot ng dalawa. Nakasuot si Yvosia ng red and black cocktail dress na may temang queen of hearts upang mas madali sa kanya ang kumilos.Nakasuot rin siya ng red and black na maskara. Habang si Hence ay nakasuot ng red and black with touch gold color na tuxedo at nakamaskara ng red with silver dust. "Sir hindi po ma detect ng system ang invitation code niyo." Nagkatinginan sina Yvosia at Hence. "Can you try again?" Tumango ang babae at scinan ulit ang code ngunit hindi tinanggap ng system. "Sorry sir pero invalid," Biglang pumasok ang isang babae na may dala-dalang memo.Napatingin si Yvosia doon nakita ang mga taong dapat na makapasok sa event. "We're the representative of Prime Minister John McCain," Saad ni Yvosia.Nagtatakang napatingin ang babae kay Yvosia. "We thought he can't attend the meeting?"Tanong ng babae. "That's why we are here,"Sagot ni Yvosia. "Do you want me to contact the president and tell him that you don't want the representatives of the prime minister to attend the event?" Dagdag ni Hence sa sinabi ni Yvosia. "Sorry sir, welcome." Pumasok na sa loob ng embassy sina Hence at Yvosia.Dinesenyohan ng pula,itim at gold ang paligid.May mga negseserve ng iba't ibang wine sa bawat table. Pumwesto sina Hence at Yvosia malapit sa backstage ng hall ng embassy na ginamit sa event. "Paano natin malalaman kung nasaan ang mga vaccines na gagamitin?" Tanong ni Yvosia sa mahina niyang tono kahit na umaapaw ang tubig ng music. "Let's just wait," Saad ni Hence at linibot ang kanyang paningin. "Good evening ma'am and sir champagne?" Biglang sumulpot sa tabi ni Yvosia at Hence ang isang water na may hawak na tray kung nasaan nakalagay ang mga champagne. "Yes please." Agad na napatingin si Yvosia kay Hence dahil bawal siyang uminom lalo't na isa iyon sa makakatrigger ng kanyang kondisyon. Nilagay ng waiter ang dalawang wine glass ng champagne sa itim na pabilog na mesa ng dalawa.Uminom si Hence ng champagne habang tinigan lang ni Yvosia ang sa kanya. "Excuse me waiter, can I ask you something?" Lumitaw ang american accent ni Hence sa kanyang tanong.Napatingin naman sa kanya ang waiter at napatango. "Yes sir," "I wonder where you put the vaccines.We just want to know if it is complete?" Tanong ni Hence at muling uminom. sa kanyang wine glass. "I'm not sure sir but as far as I know they put it in the stock room." Napatango si Hence dahil alam niya kung nasaan iyon dahil naka ilang beses narin siyang nakapunta sa embassy. "Thank you," "Your welcome sir," Sagot ng waiter at nagpaalam sa kanila na aalis na siya. "Let's just wait for their signal." Napatango si Yvosia sa sinabi ni Hence.Biglang tumunog ang microphone kaya naagaw ang atensyon ng mga tao sa loob ng hall pati na nina Yvosia at Hence. "Let us start with the introduction of the Presidential daughter Miss Alona Montecarlos." Nagsipalakpakan ang mga tao sa loob. Umakyat sa entablado ang isang babaeng blond ang buhok na naka ensaymada at nakasuot nang modern day filipiniana na kulay lila,kulay kanilang partido.Nakasuot ng Philippine flag inspired mascara. "Good evening each and everyone,I am honored to introduced the father of our country, the man whose love for our country is greater than his love for himself,the man who build the future of everybody.Please welcome my father,the President of the Republic of the Philippines Alfonso Montecarlos." Lahat ay nag sitayuan at nag palakpakan ang mga bisita pati na ang mga lideres agad namang umakyat ang lalaking matikas ang postura,abo na ang buhok at mataas ang kanyang ilong. "Thank you for that introduction,good evening ladies and gentlemen I'm so glad to see you here especially to the president of U.S,Mr.President Ivan Collins.Today we are gathered here to witness the friendship between the two countries.Last September 30 America gave us the antidote and the answer for our burden that we are now experiencing.The representative of the doctors of the America Mr.Williams Johansson but unfortunately he's unable to attend this event.I also want to thank the Basco Hospital especially to the head doctor Joseph Santos for taking care of our patients.They are rumors spreading that this vaccine could turn us into zombies.My fellow man we should open our minds that this vaccination is our savior." Nagsipalakpakan ang mga tao pagkatapos sabihin ni Alfonso ang kanyang speech.Ngumiti siya at bumaba sa stage nakipag kamay siya at nakipag kwentuhan sa mga bisita at lideres na binati sa kanya. Habang abala ang lahat sa pagkukwentuhan ay umalis na sina Yvosia at Hence sa kanilang pwesto.Tumingin muna sila sa paligid at pasimple maglakad papalayo.Napahawak si Hence sa kanyang ear piece at inutusan sina Shin at Kiro na nakabantay. "Do it now," Utos nito at ilang segundo lang ay biglang dumilim ang paligid at nagsipanick ang iba.Bawal ang cellphone at any electronic devices kaya wala silang flashlight pang ilaw. Habang ang maskara nina Hence at Yvosia ay may green light na siyang paraan upang makakita sa dilim.Pumunta sila sa stockroom at agad kinuha ang limang case ng vaccines. Busy sa pagpindot at pagkontrol si Shin sa mga system habang nagbabantay naman sa pintuan si Kiro.Nakasuot si Kiro ng itim na tuxedo at puting maskara habang si Shin ay nakapulang tuxedo at nakaputing maskara. "Hello,Yvosia nakuha niyo naba?" Tanong ni Kiro sa kabilang linya ngunit walang sumagot sa kaniya,agad siyang napatalon dahil nakita niya ang mga PSG at ng technician na papalapit sa pinto. "Ano wala bang sumasagot?" Tanong ni Shin sa kaniya habang shinushutdown ang iba pang areas. "Wala eh,Hello Hello!" "Bilisan niyo!" Agad namang napatago sa ilalim ng mga lamesa sina Shin at Kiro nang biglang may pumasok sa loob ng kanilang silid.Pumasok ang technician kasama ang mga guardia at inayos ang ang system,ng bumalik ang ilaw sa embassy ay nakita sa CCTV kung saan nagtatago sina Kiro at Shin.Lumapit ang isang guardia sa kinaroroonan nila bago paman tutukan sila nang baril ay sinipa na siya ni Kiro. "Kala mo ha." Nabitawan nang guardia ang kaniyang baril kung kaya't pinaulanan siya ng sipa ni Kiro ngunit nadedepensahan ito ng guardia.Dumating pa ang ilang bantay at tinutukan sila ng baril. "Holly Molly,Shin takbo!" Agad namang tumakbo sila ng parang hinahabol ng mga baliw na aso. "Wahhh mamaaa kooo magpapakabait nako!" Parang bata na sigaw ni Shin sabay takbo na parang nasa marathon dahil hinahabol sila ng mga bantay. "Damn it!,tumahimik ka diyan makakuha mo atensyon ng mga tao eh." Saad ni Kiro at tila may sariling buhay ang kanyang mga paa na walang tigil sa pagtakbo. "Aray!" "Hence,Yvosia?" Napatigil sila sa pagtakbo ng mabangga nila sina Yvosia at Hence na magkahawak pa ang kamay na tumatakbo.Nakita naman nila na hinahabol rin sila. "Let's talk later, let's run for our life first," Saad ni Hence at hinila papalayo si Yvosia na sinundan nina Shin at Kiro.Pagkalabas nila ng embassy ay humarurot ang isang itim sasakyan na minamaneho ng babaeng naka red slit dress na pinatungan ng red leather jacket at nakasuot ng itimna maskara. "Ride in!" Agad namang sumakay sa sasakyan sina Hence,Yvosia,Kiro at Shin.Nang makasakay na agad ay agad pianharurut ni Pria ang sasakyan na para bang nasa karera ito. "You better do better next time," Saad ni Kiro sa mga bantay ngunit nagulat siya nang bigla sumakay ang mga lalaki sa sasakyan at hinabol sila. "Pria bilisan mo!" "Aba,kasalanan ko bang parang ewan ka diyan!" Nang papalapit na ang mga lalaki ay pinaulanan sila nang bala at agad namang linagyan ni Hence nang bala ang dalawang baril at hinagis ang isa kay Kiro. "Kiro, use your gun." Agad namang sinalo ito ni Kiro at inilabas nila pareho ang kalahati ng kanilang katawan at sinagot ang mga naghahabol sa kanila. "What the f**k!,Shin give me some bullets," Utos ni Hence sa kay Shin at agad naman binigyan siya ni Shin na kinakabahan. "Shin may dala kabang locator bullet diyan?" Tanong ni Yvosia sa kanya. "Naman lahat yata ng bala dala ko eh pati bala ko," Pabirong sagot ni Shin sa kaniya. "Bigyan moko dali." Kinuha ni Shin ang locator bullet sa case at binigay kay Yvosia. "Hence,Kiro ito ang gamitin niyo dali." Agad namang kinuha nila Hence at Kiro ang bala kay Yvosia at sabay nilang pinaputok ito sa sasakyan ng humahabol sa kanila. "Pria iliko mo ang sasakyan," Utos ni Yvoisa kay Pria at tinuro ang isang madilim na eskinita agad namang liniko iyon ni Pria at muntik pa silang bumangga sa isang poste. "Asan na sila?" "Andito ang kanilang sasakyan pero walang tao," "Search the whole area." Napahinga naman nang maluwag sila nang makitang nakaalis na ang mga humahabol sa kanila. "Yvosia dala moba?" Tanong ni Hence sa kaniya at lumabas sa kahon na kanilang pinagtataguan. "Yes," Sagot niya at pinakita ang limang briefcase na may lamang antidote na ituturok sana kanina sa mga tao. "Oh,Hence,Kiro at Shin hubadin niyo na yang costume mo.Magpalit na kayo ito oh," Saad ni Pria sa kanila at inilabas ang mga damit ng kanyang pinsan at ibinigay sa kanila. "Hoy teka,Kiro anong ginagawa mo?!" Gulat na tanong ni Pria nang tangkain ni Kiro na iunbutton ang kanyang tuxedo sa harapan niya. "Sabi mo magpalit eh,saan paba kami magpapalit eh andito tayo sa eskinita?" Tanong ni Kiro at napalinga linga sa paligid. "Pria in count of three tatalikod na lang tayo ha," Saad ni Yvosia at tumango naman si Pria at sinunod siya. "One" "Two" "Three!" "I'm done,so ano na ang susunod nating gagawin?" Tanong ni Kiro at inaayos ang lonta ng polo na binigay sa kanya. "Watashi wa mada tsugi no ugoki o suru koto ga dekiru ka dō ka wakarimasen, watashi wa shinu tsumorida to omoimasu(I don't know if I still can do the next move,I think I'm going to die)," Usal naman ni Shin at sinuot ang backpack na naglalaman ng mga gadgets. "We need to locate them,that's the purpose of giving us bullet locators right Yvosia?" Napatango si Yvosia kay Hence na nag aayos ng kanyang damit. "Nag Check in sila sa malapit na hotel dito,ang gara ha may pa hotel pang nalalaman." Napatingin sila kay Shin na hawak hawak ang kanyang Ipad at pinakita sa kanila ang location. "Bakit naman sila mag checheck-in sa hotel eh hindi pa tayo nila nakikita,hindi pa rin tapos ang event?" Tanong ni Pria at napaandig sa poste. "We will check-in at that hotel." Napatingin naman sila nang may pagtataka kay Hence. "Hence mahal kita pero bawal naman na madalin mo ang kamatayan namin," Saad ni Pria at umarteng magugunaw na ang mundo. "Wow Pria hindi ka lang pala magaling sa acting pati sa pagiilusyon number one ka." Sinamaan naman ng tingin ni Pria si Kiro na tumatawa. "We need to take the risk in order to succeed,"Saad ni Hence at napahinga ng malalim . Isang gabi na mahangin ang sumalubong kay Yvosia na nakaupo sa balkonahe ng kanilang hotel room.Ang mga bituin sa kalangitan ay hindi ipinagkait sa kanya,ang lampas ng lungsod ay nakikiisa sa asul na kalangitan. Pabalik-balik ang mga paa ni Yvosia na kanyang linalaro.Ito ang unang gabi niya na labas sa Sherlock University.Upang siya ay makatulog ng mahimbing ay pumikit siya at binigkas niya ang isang tula na palaging binibigkas ng kanyang ina sa tuwing hindi siya makatulog. It was upon a Sommers shynie day, When faire his beames did display, In a fresh fountaine, fare from all mens view, She bath'd her breast, the boiling heat t'allay; She bath'd with roses red, and violets blew, And all the sweetest flowers, that in the forest grew Bumalik sa kanyang ala-ala ang mga gabi kasama ang kanyang ina sa kanyang munting silid. The rose is red, the violet's blue, The 's sweet, and so are you. Thou are my love and I am thine; I drew thee to my Valentine: The was cast and then I drew, And said it should be you Gulat na napamulat si Yvosia ng biglang may bumigkas ng ikalawang stanza.Napalingon siya sa kanyang likuran at nakita si Hence na nakasandig sa dingding habang may hawak na kape.sinenyasan niya si Yvosia na ipagpatuloy ang tula. We will buy very pretty things A-walking through the Violets are blue, roses are red Violets are blue, I love my loves Sinundan ni Yvosia ng tingin si Hence na ngayong lumalakad sa kanyang dirkesyon.Umupo si Hence sa bakanteng upuan at nilagay ang kanyang mug sa round table na pumapagitna sa kanila. Les bleuets sont bleus, les roses sont roses, Les bleuets sont bleus, j'aime mes amours. Napapalakpak si Yvosia sa fluency sa french ni Hence. "Alam mo ang tula na ito at ma..makakapagsalita ka sa french?" Napapalakpak sa kanya si Yvosia na parang bata. "I also experience being a child," Saad ni Hence.May katahimikan na bumabalot sa kanilang dalawa. "Ba..bakit ka kapala gising?" Tanong ni Yvosia upang mawala ang katahimikan na bumabalot sa kanila. "I'm actually here to remind you to drink your medicine." Nagtatakang napalingon si Yvosia kay Hence. "Pa..paano mo nalaman?" Tanong nito. "Jaxith ask me this as his favor," Sagot ni Hence sa kanya at ininom ang kanyang kape. "Ma..maraming salamat...da..dahil na kahit magkaaway kayo ni kuya Jax ginawa mo parin yung request niya," Pagpapasalamat ni Yvosia.Napahinga ng malalim si Hence at napatingala sa kalangitan. "You shouldn't thank me,he owes me," "Kahit na-" "My words are rock,I stand for it but it only moves when you choose to." Natiling nakatingin si Yvosia sa kanya naghihintay ng susunod niyang sasabihin. "I'll keep Jaxith's favor but if he does something that I don't want to.I don't have a choice but to withdraw my words because he fails to keep it." Napatingala rin si Yvosia sa natutulog na kalangitan.Ang mga tala ay nagniningning kasama ang kanilang ina ang buwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD