"Ako na bahala kay Yvosia,hindi ko naman siya pababayaan there's nothing you need to worry,"
Saad ni Pria at sinuot sa kanyang hairbun ang kanyang fountain -pen.Nagawi ang kanyang tingin kay Yvosia na nakaupo sa kanyang kama at nakikinig sa usapan.
"We need to capture them or we are the ones who will be captured first."
Napatango sila sa sinabi ni Hence.
Bigling lumihis ang kanilang atensyon sa pintuan at iniluwa si Shin.Isinara ni Shin ang pinto bago lumingon sa kanila.
"Sabi daw ni Ayra may mga factory daw ang mga rebelde malay mo baka sila na ang hinahanap natin,"
Mahinang saad ni Shin upang hindi sila marinig sa labas.
"Sa dami ng factory paano sila natin mahahanap?"
Tanong ni Kiro na nakasandig sa dingding.
"The nearest to the scene,"
"I-if ever that the vaccines got sabotaged the nearest to the scene will be the prime suspect.Sabi daw ni headmistress dineliver daw yung mga bakuna galing sa US papunta dito sa Las Villas so which means gumamit sila ng barko ano ba ang pinakamalapit na factory sa daungan?"
Mahabang-habang eksplenasyon ni Yvosia.
Naging mas malapit ang apat sa kanya dahil sa hina ng boses ni yvosia.
"Matsu(wait)"
Agad binuksan ni Shin ang kanyang cell phone at nakipag connect sa isang internet pen na dala-dala niya kahit saan.Binuksan niya ang google maps para tingnan ang pinakamalapit na daungan.
"May tatlong factory malapit sa dungkaan."
Ipinakita niya ang mapa sa kanila.
"Let's get into it,'
Saad ni Hence at inilabas ang susi ng kanyang kotse.
"Mag-ingat kayo,"
"Please be safe,"
Sabay na saad nina Yvosia at Pria.
"Wait a minute kapeng mainit sure na kayong hindi na tayo kakain?"
"Anong tayo parang hindi kita nakitang kumain ng pandesal at nagkape sa baba."
Pang-aasar ni Kiro sa kanya.
"There's a food in the car you can eat there,"
Saad ni Hence sa kanya.
"Kung ganoon let's go"
Nagpaalam ang tatlo kina Pria at Yvosia.Dinungaw ng dalawa sa malaking bintana sina Hence,Kiro at Shin na dala-dala ang kanilang mga gamit.
"Umalis na sila?'
Nagkatinginan muna sina Yvosia at Pria bago lumingon sa kanilang likuran ng may biglang magsalita.
Narating ng tatlo ang ikatlong factory na malapit sa pier.Huminto ang sasakyan ni Hence na sampung hakbang malayo sa gate ng factory.
Kinuha ni Hence sa kanyang compartment ang baril at itinago sa likod nito sinuot rin niya ang kanyang kulay brown na trucker jacket.Habang sinuot ni Shin ang high-tech wrist watch na rinegalo ni Kiro sa kanilang unit.May iba't ibang features ang wrist watch kayang lumabas ng nakakasulasok na usok ito,kayang mag picture ng mga kahina hinalang bagay at kaya rin itong mag record automatically.Sinuot ni Kiro ang kanyang biker jacket kung saan nakasuot ang kanyang baril at kanyang mga swiss knife.
"Let's go,"
Saad ni Hence at lumabas sa kotse.Sumunod naman sa kaniya si Shin at Kiro.Habang napahinga naman ng malalim si Shin at sinuot ang kanyang cap.
Nag Doorbell sila at ilang minuto lang ay binuksan ng isang babae na nasa fifty's ang edad ang gate ng factory.
"Mga iho bibili ba kayo ng prutas?,Hali kayo pasok kayo,"
Saad nito pumasok naman ang tatlo sa loob.
Tumambad sa kabilang harapan ang isang factory ng mga prutas, nagtatrabaho ang mga tao roon. Ang iba ay nag rerepack habang ang iba ay inilalagay sa kahon ang mga prutas.
"Ano bang prutas ang gusto niyong bilhin?"
Tanong ng matanda sa kanila at pinakita.ang mga kahon na tumpok tumpok.
Tumingin si Hence kay Kiro at tumango ng marahan.
"Gusto po namin sanang bumili ng kakaibang prutas."
Napa Singkit ang mata ng matanda sa sinabi ni Kiro.
"Kakaibang prutas?"
Tanong ulit ng matanda sa kanya.
"Opo kasi may ano ho may buntis kasi kami kaya alam niyo na ho naglilihi ng kakaibang prutas daw po,"
Saad ni Kiro at napakamot ng kanyang batok.Napapalakpak ang matanda at tila na tuwa.
"Aba'y buntis pala sino ang ama?"
Walang alinlangan ay tinuro ni Shin at Kiro si Hence na tila nagulat sa kanilang ginawa.
"Ah nga naman hali kayo at ipapakit ko yung mga prutas namin.'
Tinapik tapik ng matanda ang likuran ni Hence at naunang mag lakad sa kanila.Tinapat ni Shin ang kanyang wrist watch sa mga kahon.
"Meron kaming Rambutan,dragon fruit,Jackfruit,at sugar apple."
Pinakita ng matanda ang mga prutas sa kanila habang hawak-hawak ang mga ito.
"Magkano po yung isang kahon na yan?"
Tanong ni Kiro sa matanda at kinuha ang rambutan sa matanda.
"Isang box five hundred iho."
Napatigil si Shin ng biglang tumunog ang kanyang wrist watch agad niya itong hininaan ng volume para hindi manakaw ang atensyon ng ibang manggagawa.Sinundan ni Shin ang kanyang wrist watch kung saan papalakas ang tunog nito.
Napahinto siya sa isang corner ng lugar kung saan may mga kahon na tinabunan ng itim na tela.Sinuri ni Shin ng mabuti ang tela at yumukod upang mas makita ito.Sa dulo ng tela ay may nakaukit na itim na rosas.
Itinaas ni Shin ang tela at nagulat siya sa kanyang nakita.Agad siyang tumakbo papunta kina Hence na ngayon ay kinikilo ang kanilang pinamili.Ibinulong niya dito ang kanyang nakita.May ibinulong si Hence kay Kiro at siniko ito.
"Lahat po ba ng kahon dito ay mga prutas?''
Tanong ni Kiro sa matanda na nalaman nilang Isabela ang pangalan.Iniabot ni Isabela ang tatlong plastic ng rambutan,mangga at atis.
'Oo naman iho bakit mo natanong?"
Tanong pabalik sa kanya ni Isabella at lininis ang kahon na pinagkuhaan ng mga prutas.
"Hindi niyo po naitatanong ay may maliit pong grocery store mukhang fresh po talaga yung mga gulay baka pwede naming makausap ang inyong manager par makausap namin siya tungkol sa balak namin."
Napatango naman si Isabela at napunas ng kanyang kamay sa kanyang kulay abo na damit.
"Ah ayan na pala si sir,sir Nathan!"
Napalingon sila ng kumaway si Isabela at may tinawag na pangalan.Biglang lumingon ang lalaking nakasuot ng kayumangging button-down dress shirt at may tatlong hindi nakabutones sa kanyang damit at na ka kayumangging slocks.Lumapit ito sa kanila ng tinawag ni Isabela ang kanyang pangalan.
"Ano po yung manang Isabela?"
Tanong nito bago nagawi ang kanyang tingin kin Hence.
"Gusto nila sanang makiusap kay sir Lucas upang tanungin dahil plinaplano nilang kunin tayo bilang producer ng prutas sa kanilang grocery store."
Napatango naman si Nathan ng marinig ang eksplenasyon.Lumingon ito sa kanilang tatlo at ngumiti.Inilahad niya ang kanyang kamay sa kanila.
"My name is Nathan Agalio.I Am the assistant manager of RinB fruit factory."
Tinanggap ni Hence ang kanyang kamay at nakipag shake hands.
"Lev."
Pagpapakilala ni Hence sa kanya.Lev ay isang pangalan na hango sa italya na ang ibig sabihin ay leon.
"This is Acillino and Adlar."
Nagawi ang tingin ni Nathan kina Kiro at Shin ng ipakilala nito.Nakipag shake hands ito sa kanila.
"Nice meeting you,follow me I'll be leading you to our office."
Naunang maglakad si Nathan sa kanial.
"Manang iwan muna namin ito saglit salamat,"
Nagmamadaling saad ni Kiro at agad namang kinuha ni Isabela ang kanilang mga pinangbili.
Umakyat sila sa taas at tumambad sa kanila ang mga nag tumpok tumpok na kahon na tinabunan ng kulay itim na tela.Mas lalong lumalakas ang pag vibrate ng wrist watch ni Shin.Sa bawat sulok ay may mga bantay na sinusundan sila ng tingin.Huminto sila sa tapat ng pinto kung saan may nakalagay na Office of the Manager.Sinenyasan ni Hence ang dalawa na hintayin siya sa labas ng pinutan dahil siya lamang ang papasok sa loob.Tumango naman sina Shin at Kiro sa kanila.Kumatok si Nathan sa pinto at pumasok ito muna ng mag-isa at ilang minuto lang ay lumbas ito.
"You can go inside,"
Saad ni Nathan at pinapasok si Hence sa loob.
"Maghihintay na lang kami dito."
Napatango si Nathan sa sinabi ni Kiro at isinira ang pinto ng makapasok sila sa loob.
Bumungad kay Hence ang isang opisina na madilim at walang kung ano-anong dekorasyon.sinenyasan siya ni Nathan na umupo sa katapat na swivel chair habang lumabas naman siya ng kwarto.
"Are you our potential client?"
Hinubad ng lalaking kaharap niya ang kanyang eyeglasses at tinanong si Hence.Napatikhim naman si Hence at tuango.
"Yes I am, I have a little grocery store and I want to expand it by supplying foods and the needs of the people and since your fruits have a good quality.Maybe we can talk about our partnership,"
Seryosong saad ni Hence.Ngumiti naman si Lucas.
"Sure.My name is Lucas,where is your grocery store located?"
Tanong ni lucas at pinagpatong ang kanyang palad.
"Inside the Las Villas."
Napa Oh si Lucas sa kanyang sinabi at napataas ng kilay.
"Hindi ba masyadong malayo ang Las Villas dito?"
Tanong nito sa kanya.
"Yes,it's too far.But I can't trust the people there especially we are now in a pandemic and a lot of people are now experiencing poverty and they will take advantage of our situation to fool others.and I don't want to be fooled or scammed as they say don't trust anyone because even salt can be a sugar ..."
Pagbitin ni Hence sa kanyang sinabi.Napatango naman si Lucas sa kanya.
"That's good.We can't trust anyone by now."
Napatango naman si Hence at napangiti.
"Our fruits are fresh and we don't have an issue."
"Oh good to hear.I actually don't like issues like did you hear about a rebel group putting a front to hide their real business?,that's kinda bad right?"
Saad ni hence at napailig- iling.
"No we don't heard about that,"
Kalmadong saad ni Lucas at ngumiti.
"As a part of partnership,I'm sure you know we need communication.Can I have your number?"
Tanong ni Hence at linabas ang kanyang cellphone ng biglang tumunog ito ng paulit-ulit.
"Your phone is vibrating."
Tumango si Hence kay Lucas.
"It has a detector that actually vibrates if there's something illegal or a person with criminal instinct."
Nakangising saad ni Hence at napatingin kay Lucas na sumeryoso ang itsura.Mas lalong lumakas ang pagtunog at vibration nito sinunod ni Hence ang tunog at napatigil siya sa mga kahon na na takluban ng tela.
"Can I open this?"
"Huwag!"
Bago paman pigilan ni Lucas si Hence ay nabuksan na ni Hence ang tela at bumugad sa kanya ang mga kahon na may lamang mga bakuna.
"Oops sorry I think I changed my mind."
Agad na kinuha ni Hence ang kanyang baril sa kanyang likuran at tinutukan si Lucas.
"Are you the one who's running the entire organization?Where is your hideout?Is there a person in a high position who's supporting your illegal transactions?"
Sunod-sunod na tanong ni Hence habang nakatutuk ang kanyang baril kay Lucas.
"Do you think you can threaten me with your g*n?"
Napangisi si Lucas sa kanya at umikot ito upang bigyan ng side kick si Hence kaya nabitawan nito ang kanyang baril.Hinila niya si Hence at ibinagsak sa mesa ng nakaharap ito at pinatungan ito ng kanyang braso upang hindi ito akawala.
"So it's confirmed that you're the one who sabotaged the vaccines,"
Madiin na sabi ni hence.Napataas ng kilay si Lucas sa kanya.
"Eh ano naman?,hindi kami sakop ng gobyerno ninyo kaya hindi niyo kami mauutusang tumigil!"
Sigaw ni Lucas sa kanya at tumawa ng napasarkastiko.
"Bakit akala nila porket na nagpadala sila ng mga bata titigil kami?"
Tumawa pa siya ulit bago bumalik ang kanyang ekspresyon sa pagiging seryoso.
"What's your purpose in sabotaging the vaccines?Is there someone who's supporting you?"
Tanong ni Hence at kinapa ang swiss knife sa kanyang bulsa.
"Bakit ko naman sasabihin?"
Pinalibot ni Hence ng mabilis ang kanyang swiss knife at sinaksak sa braso ni Lucas.Napa ah si Lucas at napahawak sa kanyang braso na nagdudurugo.Agad bumangon si Hence at kinuha ang kanyang baril.
"You're just going to die, so if I were you, I'm just going to tell the truth, maybe you'll be accepted in heaven."
Narinig nilang pareho ang putukan sa labas .
"Do you think so?"
Binaril ni Hence ang kaliwang tuhod ni Lucas sanhi ng pagluhod nito.Lumapit si Hence sa kanya at tinutukan ang ulo nito.
"Are you the leader of the organization?Are the people who work in this factory part of this organization?"
Seryosong tanong ni Hence ngunit imbes na sumagot ito ay ningisian lamang niya ito.Binaril ni Hence ang kanyang kanan na braso.Napasigaw naman si Lucas sa sakit habang kualat ang dugo sa sahig.Lumuhod si Hence upang magkapantay sila ni Lucas.
"This is my last question,answer it or I'll make sure you're going to suffer even if you're in hell!"
Tinusok ni Hence ng hindi malaliman ang lalamunan ito.Tumingin si Lucas sa kanya habang hinahabol ang kanyang hininga.Mas diniin pa ni Hence ang pagtusok ng kanyang swiss knife sa lalamunan nito ng hindi ito sumagot.
"Ahhh!"
Tanging daing laman ni Lucas ang naging musika sa paligid.Ididiin pa sana ni Hence ang pagkatusok dito ng biglang magsalita si Lucas.
"Hindi ako ang pinuno ng organization..."
Napapikit ito sa hapdi ng mag salita siya.Napatingin ang maitim na mata ni Hence na puno ng pagkainis sa kanya.
"Hindi...ko sila kilala ng pumasok ako ay tumatawag lamang sila sa telepono o nagpapadala sila ng sulat ang tanging kilala ko lang ay ang mga tauhan dito."
Muling napapikit si Lucas sa hapdi.
"How about the workers here, are they part of the org?"
Umiling si Lucas sa kanya at hinahabol ang kanyang hininga.
"To...totoong mga trabahador sila walang silang kalam alam ukol sa negosasyon."
Nagawi ang atensyon ni Hence sa pintuan ng biglang lumakas ang mga sunod-sunod na putok.Akmang kukunin ni Lucas sa kanya ang baril ng agad niya itong nabawi at aksidenteng naputok ito sa dibdib ni Lucas.Bumagsak ang katawan ni Lucas sa sahig at nabalot ng kanyang sariling dugo.Napatingin si Hence sa wala ng buhay na katawan ni Lucas at linibot ang kanyang paningin sa paligid bago umalis ng kwarto.
Sa labas ay tumambad ang mga katawan ng mga rebelde ng wala ng buhay sa sahig.Nakarinig siya ng putok sa baba kaya sinundan niya ito.Nakita niya ang mga bangkay na nakatihaya sa hagdan.
"Are there any casualties?"
Tanong ni Hence ina Kiro at Shin na nasa baba at nabalot ng dugo ang kanilang damit.
"Daplis lang naman hindi ganoon ka seryoso."
Nagawi ang tingin ni Hence sa kamay ni Kiro ang tumutulo ang dugo ng mga rebelde sa swiss knife nito.Bumaba si Hence sa hagdan at sinubukan hindi niya mapakan ang mga bangkay.
"May mga napulot akong mga ebidensya."
Itinaas ni Shin ang kanyang kamay na may bahid rin ng dugo at ipinakita ang mga papel at note book na kanyang nakuha.Tumango si Hence sa kaniya at tuluya ng umalis sa lugar.
Nang makaalis sila sa opisinang iyon ay sinalubong sila ng mga taong nakatingin sila ng puno ng galit.Ang ibang mag-ina ay nagyakapan pa habang umiiyak ang kanilang mga anak.Hindi makapaniwalang nakatingin si manang Isabela sa kanila.
"Paano niyo nagawang pumatay?!,Saan kami magtatrabaho?!"
Sigaw ng mga tao sa kanila habang ang iba ay umiiyak sa kanilang nasaksihan.
"Nagtatrabaho kayo sa isang rebelde pinaghahanap ng batas,"
Sagot sa kanila ni Kiro.
"Paano kami?,paano ang mga pamilya namin?!"
Napapikit si Hence sa sunod-sunod na daing ng mga tao.
"If you'll cooperate with us,I promise to make sure you'll have your work and your needs,"
Seryosong saad ni Hence na napatigil sa mga tao.
"Paano ka namin paniniwalaan?"
Tanong ng isang ina habang hawak-hawak ang kanyang supling.
"It's your choice to believe me or not."
Nagkatinginan ang mga tao kahit papaano ay naiintindihan nila ang sinasabi ni Hence ngunit ang kanilang katanungan kung dapat bang pagkatiwalaan ang kanyang mga salita.
"There will be a help coming, just wait for it."
Agad na tumingin si Hence kina Kiro at Shin.
"Let's go."
Naglalakad ang kanilang mga paa paalis sa lugar na iyon at dumiretso sa sasakyan ni Hence.Nagkatinginan silang tatlo bago napahinga ng malalim.
"Ano ang gagawin natin ngayon sa kanila?"
Napahilamos si Hence sa tanong ni Shin.
"We need to ask a help,'
Desperadong saad ni Hence.
Tahimik na naglalakad sina Yvosia at Pria ng yayain sila ni Loisa na ipasyal sa kanilang bundok kung saan may malawak na taniman ng mga sampaguita,mirasol,tulip at iba't ibang pang bulaklak.
Napatingin si Pria ng biglang kumapit si Yvosia sa kanya.
"Pria..naiihi ako." Lumukso-lukso si Yvosia dahil naiihi na talaga siya.
"What the heck saan kanaman iihi?"
Bakas sa tono ni Pria ang pagkabahala.
"Oh bakit anong problema?"
Mahinang tanong ni Loisa.
"Doon sa dulo may mga kakahuyan doon pwede siyang umihi doon wala namang mga ahas doon.'
Turo ni Loisa sa dulo na puno ng matatyog na puno.
"Salamat."
Mabilis na umalis at pumunta sina Pria at Yvosia sa kakahuyan.
"Sige na Yvosia,I'm just going to turn around just tell me if you're done,"
Sabi ni Pria kay Yvosia.
"Okay."
Sagot ni Yvosia.
Tumalikod na si Pria at ilang saglit lang ay umihi na si Yvosia.
"Pria-" Biglang naputol ang sasabihin ni Yvosia kaya si Pria na ang nagsalita.
"Tapos kana ba?" Tanong ni Pria ngunit walang sumasagot.Kaya lumingon siya laking gulat niyang makitang wala na si Yvosia.Bago niya kunin ang kanyang fountain pen ay may lumipad na dart na biglang tumusok sa kanyang leeg sanhi ng kanyang pagkatumba sa lupa.
CHAPTER 10: OUT OF THE WOODS
Sa opisina ng ambassador ay problemadong nakaupo si Symon sa kanyang itim na swivel chair.Nilalaro niya ang ballpen na niregalo ng presidente ng Amerika sa kanya ng mag bisita siya noong nakaraang linggo,habang iniisip niya ang nangyari sa event kung saan ay biglang nanakaw ang lahat ng mga vaccines.Hindi niya kayang tuonan ang isyung ito dahil kakalat ito sa publiko at hanggang ngayon ay hindi pa nahuhuli ang mga kumuha na wala sa kanyang kaalaman na sina Hence ang gumawa noon.Ginagambala ng ganitong sitwasyon si Symon sapagkat reputasyon niya at ang kanyang posisyon ang nanganganib sa oras na malaman na may problema ang mga bakuna kaya ito nanakaw.Shail siya ang itinalaga na vaccine czar at pinagkakatiwalaan ng pangulo.
"Hello this is the office of the Ambassador of the Philippines to America,how may I help you?
Sa labas ng opisina ni Symon kung saan may maliit na mesa para sa sekretarya niya ay nakatanggap ng tawag si Samantha.
"Can I talk to Mr.Symon?"
Tanong ng aksuap niya sa linya.Binuklat ni Samantha ang schedule book ng kanyang boss ngunit walang itong makita na schedule o nakahandang call meeting kaya tinanong niya ito.
''May I ask your name and your appointment sir?"
Hinanda ni Samantha ang kanyang ballpen para ilista ito.
"This is Hence Thunderson,I want to talk to my father.''
Biglang nabitawan ni samantha ang kanyang ballpen at napaluwa ang kanyang mata ng mapagtanto kung sino ang kanyang kausap.
"Ay sorry sir. Hence,wait sir I'll pass the line to your father.'
Agad na pinasa ni Samantha ang linya ng tawag kay Symon.
"Hello good morning"
Pagbungad ni Symon sa linya.
"Dad...this is going to be the first and last time that I'm going to ask you a favor."
Nakaupo ng tuwid si Symon ng marinig ang boses ng kanyang nag-iisang anak.Minsan lamang tumawag si Hence sa kanya kaya ito nagulat.
"Hence-"
"Listen up."
Tumikhim siya ng putulin ni hence ang kanyang sasabihin.
"Go on."
Hinayaan niya itong magsalita.
"There's a bunch of workers in the RinB fruit factory that's waiting for your help.Send your staff immediately."
Napalunok at nagulat si Symon sa sinabi ng kanyang anak.
"Why do you want to help them?Are you doing charity right now?"
Napakunot ang noo ni Symon habang tinatanong ang kanyang anak.
"I did something bad for good."
Hinubad ni Symon ang kanyang eyeglass sa pagkagulat.Nag-alala siya na baka gumawa ng katarantanduhan ang kanyang anak ngunit alam rin niya sa kanyang sarili na may prinsipyo at hindi makakagawa ng kahit anong hindi kaaya-ayang bagay si Hence.
"You did what?"
"Just help them."
Napahinto si Hence at napahinga ng malalim.
"Please dad."
Huli niyang saad bago pinatay ang telepono.Napasandig si Symon sa kanyang swivel chair at napamasahe ng kanyang sentido.Nagdadalawang isip si Symon sa kanyang swivel chair at napamasahe ng kanyang sentido.Nagdadalawang isip si Symon kung pagbibigyan ang kanyang anak.Kung hi-hindi siya ay alam niyang mas lalong lalayo ang loob ng kanyang anak sa kanya dahil ni minsan ay hindi ito humingi ng pabor sa kanya at ito ang kauna unahang humingi ng pabor ang kanyang anak.
"Samantha."
Tawag niya sa kanyang sekretarya sa linya.
"Yes sir?"
Agad bumukas ang pintuan ni Symon at pumasok si Samntha ng tinawag ang kanyang pangalan.
"Send Jess and the team to RinB factory immediately,give them the things that they're needed and let them use our old mansion in province."
Utos nito kay Samantha.Nagtataka naman si Samantha sa inutos sa kanya ngunit tumango lamang siya at sinunod ang inuutos sa kanya.
Agad na binalik ni Hence ang cellphone kay Shin at napahawak sa manobela ng mahigpit.
"Bakit hindi mo na lang siya tinawagan gamit ang phone mo?"
Tanong ni Shin sa kanya at tinago ang kanyang phone sa kanyang backpack upang mas ligtas ito.
"I don't want to remember that I asked a favor from my father."
Napatingin si Hence sa gate ng factory.Nakita niyang wala rin namang tao ang lumalabas upang tumakas kaya napanatag ang kanyang loob na pinagkatiwalaan siya ng mga tao.
"Pride talaga."
Napailing na lang si Kiro kay Hence.
"Aalis na ba tayo?"
Tanong niya kay Hence at kinuha ang alcohol sa compartment upang punasan ang mga dugo sa kanyang kamay.
"I never killed too much like this before,"
Dagadag niya pa.
"No.We're going to wait for the help. We should make sure that he's really doing us the favor."
Napatango silang dalawa at lininis ang kanilang katawan.Ilang minuto ang lumipas at may nagsidatingan na mga sasakyan.Lumabas si Hence sa kotse at sinalubong ang mga sasakyan na huminto sa kaniang likuran.Lumabas rin sa kotse sina Shin at Kiro ng makutang nagsilabasan ang mga staff ng ama ni Hence.
May lumapit kay Hence na isang lalaki na naka slid back ang itm niyang buhok at naksuot ng black suit.
"Hence bakit kayo nandito?"
Base sa kanyang salita ay kilala niya na si Hence at malapit sila sa isa't isa.Tinapik ni Hence ang kanyang balikat.
"Hey Jess, can I trust you about this?"
"You know I'm loyal to you and to your father right?"
Napatango si Hence sa kanya.Nakikinig sa kanilang dalawa si Kiro na nakalagay ang dalawang kamay sa ibabaw ng kotse at si Shin na nakatutok sa pinag-uusapan ng dalawa.
"There's two classes of boxes inside the factory one is the boxes of fruits while the other one are the real vaccines.We also killed some of the rebellions and I hope this wouldn't add a fire to the fuel you know what I mean right secret to the public."
"So you mean you're in the middle of a mission your father should know this ."
Umilling sa kanya si Hence.
"He should know but not too detailedly. We already failed to keep this by ourselves."
Tumango si Jess sa kanya at nakita nilang dinadala na sa sasakyan ang mga tao.Lumapit sa kanya si Hence at may binulong.
"Trust me in that."
Nagawi ang tingin ni Jess kay Kiro at Shin na napansin ni Hence.
"That's Kiro and Shin, my colleagues."
Kumaway sa kanya ang dalawa at ngumiti ngunit hindi na sila lumapit pa.
"Nice to meet you.'
Ngumiti sa kanila si Jess.
"Iho!'
Pareho silang napalingon ng ay sumigaw sa kanilang likuran.
Nakita nila si manag Isabela na hawak-hawak ng dalawang lalaki na naka itim na kasuotan.
"Maraming salamat at tinupad mo ang iyong pangako."
Tumango ng marahan si Hence sa kanya bago tuluyang kinuha si Isabela sa kanyang paningin.
" We should better go and report about the vaccines but don't worry they won't interfere with your mission."
Tinapik ni Jess ang balikat ni Hence bago senenyasan ang kanyang mga tauhan na bilisan ang pagkilos dahil aalis na sila.
Lumingon si Hence kina Kiro at Shin na nanonood sa mga kaganapan.
"We should also go,"
Pagkarating nila sa lounge house ay agad Silang lumabas sa sasaktan dala-dala ang kaninang mga gamit.Kailangan nilang makapagpalit agad dahil may mantsa ng mga dugo sa ilang bahagi ng kaninang damit.Napansin nilang masyadong tahimik ang lugar sa sobrang tahimik ay nabalot ng misteryo ang pakiramdam nina Hence,Kiri,at Shin.
Kumatok so Shin a pinto ngunit walang sumasagot.Binuksan ni Kuro ang pintuan at naunang pumasok.Nakaramdam si Hence ng hindi maganda kaya hinanda niya ang kanyang baril sa kanyang likuran.
"Tigil!"
Sabay Silang napalingon ng marinig nila ang boses na iyon.
"Mabuti naman at nandito na kayo,"
Saad ni Ayra na may hawak na baril at nakatutok sa kanilang tatlo.
"Anong ginagawa mo?"
Gulat na tanong ni Kiri at kinapakap ang natitirang smoke bomb na nasa kanyang bulsa.
"Obviously trying to kill us,"
Sarkastiking saad ni Hence at sinundan ng tingin si Ayra.
"Mag-isa ka lang paano mo kami kayanin?"
Tanong ni Shin sa kanya na bahagyang natuwa.Ngunit nawala ang ngiti si kanyang labi ng biglang magpaputok si Ayra at dumamplis iyon sa kanyang baga.
"Kung mamatay ako at least sama-sama kami ng mga babae niyo sa impyerno!"
Mas lalong uminit ang hangin sa loob ng silid dahil sa kanyang sinabi.
"Nasaan sila?,ANONG GINAWA MO SA KANILA?!"
Umusbong ang galit ni Kiro at mas lalong kumuyom ang kanyang mga kamao.
"HA HA HA kailangan niyo muna akong patayin bago sabihin!"
Madiin at barumbado niyang sagot.
"Ah!"
May lumabas na bala sa baril ni Hence na dumiretso sa pulsuhan ni Ayra kung kaya nabitawan niya ang baril.
"Woah!,paano mo nagawa iyon?"
Manghang sagot ni Shin at kinuha ang baril ni Ayra sa sahig.Namimilipit sa sakit si Ayra dahil natamaan nito ang kanyang ugat.
"No need explanation,"
Saad ni Hence at sinenyasan so Kiro na inilabas ang smoke bomb na kanina niya pa hawak hawak dahil ayaw niya rin masakit si Ayra dahil babae ito.
"Saan natin sila hahanapin?"
Tanong ni Shin at isinara ang pinto upang hindi makatakas si Ayra.
"Let's try to find one of their properties."
Tumango sila sa sinabi ni Hence at mabilis na bumaba sa hagdan upang hanapin ang kanilang mga kaibigan.
Walang Makita na kahit ano sina Yvosia at Paris ng buksan nila ang kanilang mata dahil natatakpan ito ng tela.Ngunit alam nilang pareho silang naglalakad sa gitna ng kagubatan dahil na rin sa mga mabato at makahoy na daan na kanilang tinatahak.Parehos nakagapos ang kanilang kamay ng lubid.
"Teka lang pare iihi muna kami doon...ingatan niyo yan baka makatakas."
Paalam ng isang lalaki sa kanyang mga kasamahan.
"Gago pre bakit ngayon pa?!"
Tanong sa kanya ng isa.
"Puputok na eh promise sandali lang ito."
Dinig nilang pareho ang kanilang pinag-uusapan kaya naalerto sina Yvosia at Pria lalo't ng wala Silang makita.Naramdaman nilang ang apat na piraso ng mga para na lumakad papalayo sa kanila.
"Pwede mo naman kaming painumin ng tubig siguro noh?"
Sarkastiking tanong ni Pria sa kanila.
Agad naman tinanggal ng mga lalaki ang tela na sumakop sa buong ulo at mukha nina Yvosia at Paris.
"Painumin mo na yan,ang arte akala mo madam."
Sinubo ng malakas ng Isang lalaking may peklat sa mata ang water bottle sa bunganga ni Pria.Paginum ni Pria ay agad nutong dinura sa mukha ng lalaki.
"Gago!,iinum ka tas idudura mo!"
Pagmura sa kanya ng lalaki.Napairap na lamang si Pria.Hindi siya nakikilala ng mga ito sa pagkat tinabunan ng kanyang bang a ang kanyang kilay at nagsuot siya ng makeup upang hindi siya masyadong makilala ng mga taong kanyang makakasalamuha maliban sa kanyang mga kasamahan.
Napatingin si Pria Kay yvosia na nanginig sa takot at hindi maawat ang kanyang paghikbi ng walang tunog.Alam niyang masyadong maselan si Yvosia se mga ganito lalo't na hindi siya normal para sa kanya.
"Naiihi na kami ng kasama ko."
Napatingin si Yvosia kay Pria ng sabihin niya iyon.Mas lalong naawa si Pria ng makita ang mga krystal na Maya ni Yvosia na puno ng sigla at saya ay nababalot ng takot at kaba.
"Ang arte niyo naman akala niyo makakalusot iyan sa amin,"
Sagot ng lalaking malaki ang pangangatawan na nakahawak kay Pria.
"Hindi namin alam kung ano ang hayoo ang meron dito at Isa pa dalawa lang kami apat kayo paano kami makakatakas ha?!"
Panghahamok ni Pria sa kanila.
Nagkatinginan ang mga lalaki sa Isa't isa bago napatango.
"Pwede kayong umihi doon pero wag na wag nutong subukang tumakas dahil tutuluyan namin kayo."
Kinalagan ng mga lalaki sina Yvosia at Pria at sinundan papunta sa Isang gilid.Lumingon si Pria sa dalawang nakasunod sa kanila.
"Papanoorin niyo ba kaming iihi?"
Tanong nito sa kanila.Nagkatinginan ang dalawa bago hinayaan sila at nagbantay sa hindi kalayuan.May tatlong puno na pumapagitna sa kanila.
"We need to outsmart them,"
Bulong ni Pria kay Yvosia.
"I-i need to think ..."
"No,you don't need to...I already have a plan."
Narating nila Hence,Kiro at Shin ang bundok na pinangangalagaan ng mga Reyes.
Pinark ni Hence sa gilid ang kanyang sasakyan at kinuha ang susi nito.Lumabas sila ng sasakyan.
"Paano ang kotse mo?"
Tanong ni Shin kay Hence.
"It's computerized and it also has a low battery so we can abandon it ."
Napatango silang dalawa at agad na inakyat ang bundok upang mahanap sina Pria at Yvosia.Sa bilis ng kanilang pagtakbo ay agad nilang narating ang hardin ng bundok.
"Hardin lamang ang nandito,'
Saad ni Kiro at linibot ang kanyang paningin.
"Doon may kakahuyan doon baka mahanap natin sila doon."
Turo ni Shin sa kakahuyan sa dulo ng hardin at agad nila nitong tinungo.
"Let's get enter the woods,"
Saad ni Hence at linagyan ng bala ang kanyang baril.Lalakad na sana si Kiro ng maramdaman siyang kuryente sa kanyang inaapakan.Tumingin siya sa baba at nakita ang kulay pulang fountain pen.Kinuha niya ito at tiningan.
"Bakit?"
Tanong ni Shin sa kanya ng makitang huminto.Pati rin si Hence ay napahinto at lumingon sa kanila.
"Hindi ba't kay Pria ito?,ito diba ang suot niya sa kanyang buhok bago tayo umalis?"
Pagkokonpirma ni Kiro sa kanila.
"Oo nga sinuot niya ito sa bun niya,"
Pagsasang-ayon ni Shin.
"Then we should find them immediately."
Tumakbo sila sa papasok ng kagubatan at may iisang misyon silang kailangang gawin.Iyon ay mailigtas ng buhay ang kanilang mga kasamahan.
"Tulong tulungan niyo ako!"