CHAPTER 4:UNDERCOVER
Nang matapos ang klase sa unibersidad ay nagtipon tipon sina Yvosia,Pria,Kiro at Shin sa headquarters nina Hence.Nakaupo si Hence sa gitna at pinapakinggan ang plano na hinanda ni Yvosia.
“I-iyan ang plano na naisip ko,”Saad ni Yvosia at yumuko hinihintay ang kanilang sasabihin.
“It’s a little risky,kung hindi tayo magtatagumpay siguradong mapapahamak tayo,’’
Nag-aalang saad ni Kiro.
“If that’s the only way then we should take the risk.’’
Saad ni Hence at tumayo.Sinuot niya ang kanyang itim na blazer at lumingon sa kanila.
“I agree with Hence.I can be the financier sigurado akong kailangan natin ng pocket money.”
Napatango sa kanya ang tatlo habang hindi umimik si Hence.
“Kami na bahala ni Shin sa mga gamit natin,”
Suhestiyon ni Krio.
“Sore wa tashikada (That’s for sure)”
“Good.I’ll see you on the parking lot,”
Saad ni Hence at lumabas ng headquarters upang kausapin si Lance na dumudungaw sa malaking glass wall ng unibersidad.
“Lance.”
Lumingon si Lance ng marinig niyang tinawag ni Hence ang kanyang pangalan.
“I’ll be gone for an assignment,please don’t disappoint me.I trust you.”
Tinapik tapik ni Hence ang likuran ng kanyang kaibigan.
“I can’t promise that but we’ll do our best.Anyway good luck.”
Tinapik ni Lance pabalik ang balikat ni Hence.
“Hence!”
Pareho silang napalingon sa likuran ng may tumawag sa pangalan ni Hence.
“Hence,pwede ba tayong mag-usap ng tayo lang,”
Saad ni Jaxith ng makalapit siya sa dalawa.
“Sure,maiwan ko na kayo.”
Tinapik ulit ni Lance ang balikat ni Hence at ngumiti kay Jaxith bago umalis.
“If you are here to wish me luck,thanks but no thanks,”
Pag-uuna ni Hence kay Jaxith.
“No Hence,hindi ako naparito para kung sa ano.I’m actually here to ask a favor to you.”
Hence let out a small chuckle.
“Oh,yeah your cousin,”
“Yvosia has an IMPD.Immature personality disorder,this can happen anytime.”
Napataas ng kilay si Hence.
“Is that my business?”
Kinuha ni Jaxith ang kamay ni Hence at nilagay doon ang bote ng gamot ni Yvosia.
“Wala ako sa tabi niya at ikaw lamang ang taong alam kong mapagkakatiwalaan.I owe you for this.”
Tiningna ni Hence ang bote ng gamot sa kanyang kamay at napatingin kay Jaxith.
Naabutan ni Hence na naghihintay ang apat sa parking lot.
“Let’s go now,”
Saad ni Hence at pinatunug ang kanyang sasakyan.Sumakay siya sa passenger seat at pinaandar ang makina.
“Why are you here?’’
Tanong ni Hence ng akmang papasok si Pria sa passenger seat.
“I'm coming with you -”
“No,do exactly what’s on the plan.Yvosia get inside,”
Utos ni Hence kay Yvosia.Nagkatinginan muna sina Yvosia at Pria bago umatras si Pria at pinasakay si Yvosia.Sumakay sa likuran si Shin habang dala-dala ang mga gadgets sa kanyang backpack.
Pinatunog ni Kiro ang kanyang pulang sasakyan at napalingon kay Pria na nakatayo lamang sa gilid ng sasakyan ni Hence.
“Pria!”
Tawag niya rito.Nabalik ang ulirat ni Pria at napalingon kay Kiro.
“Sakay na.”
Binuksan ni Kiro ang pinto ng passenger seat.Naunang umalis ang itim na sasakyan ni Hence.Wala ng nagawa si Pria kundi ay sumakay sa sasakyan ni Krio.
Tahimik lamang ang byahe ng dalawang sasakyan.Nakatuon lamang ang atensyon ni Hence sa daanan habang umawit naman ng nursery rhymes si Yvosia.Habang si Shin ang nakatalaga bilang technology expert kaya nakatuon lamang ang kanyang tingin sa kanyang Ipad.Sa kabilang sasakyan ay walang pinagkaiba.Tahimik lamang ang dalawa habang bumabyahe.Napalingon si Kiro kay Pria na walang imik at nakatingin lamang sa bintana.
“Wag ka ng magmukmok diyan.”
Pagbasag ni Kiro sa katahimikan.Gulat namang napalingon si Pria kay Kiro na nakatingin sa daan.
“Sorry,”
Iyan lamang ang salita na lumabas sa bibig ni Pria.Ngunit ikinagulat ni Pria ng tumawa si Kiro.
“Why are you laughing?”
Napailing si Kiro at pinigilan ang kanyang pagtawa.
“I'm just loosening up the mood,wag ka ng magmukmok diyan pabilibin mo na lang si Hence pagkatapos maging successful ang step one natin.’’
Napabuntong hininga na lang si Pria at maling napasandig sa passenger seat.
“It would be a miracle if he would appreciate my hard work.”
Muling napalingon si Kiro kay Pria.
“You’re such a sophisticated you really love complicated things,di bale kung hindi mo siya mapabilib at least ako napabilib mo.”
Nagtatakang napalingon si Pria sa kanya.
“Huh?”
Napatingin si Kiro kay Pria.
“I can if he won’t appreciate the things you did, at least us the rest of the team Yvosia,Shin, and I appreciate all your efforts.”
Napangiti si Pria sa sinabi niya.
“Thank you Kiro,you’re so kind.’’
Ngumiti si Kiro sa kanya ng hindi lumilingon.
“Hold on,together we will say mission accomplished,”
Saad ni Kiro.
Alas- singko na ng hapon ng marating nila ang Basco Hospital.Dumiretso ang sasakyan nila ni Hence sa hindi kalayuan habang pinark naman ni Kiro ang kanyang sasakyan sa tapat na parking lot ng hospital.Ang Basco Hospital ay may nakakaingay na tahimik, ang mga nars at doktor ay walang tigil sa pag -aasikaso sa mga pasyente. Hinigpitan nila ang pagsusuri at pag -aasikaso sa mga pasyente kesa sa mga nakaraan na buwan. Hindi mawala sa kanilang sarili ang pangangamba lalo na sa nangyari noong nakaraang linggo.
Lumabas na ng sasakyan sina Kiro at Pria.
“You can do it now.”
Napahawak silang dalawa sa kanilang earpiece ng biglang magsalita si Hence sa kabilang linya.Hindi na sila tumugon pa at dumiretso sa pinto ng hospital pero laking gulat nila ng hinarangan sila ng mga bantay.
“Excuse me,magpapacheck lang kami sana sa loob,”
Saad ni Kiro at akmang papasok ngunit hinarangan parin siya ng gwardiya.
“Sorry boss pero hindi na kami tumatanggap ng pasyente.”
Nagkatinginan sina Kiro at Pria.Napahinga ng malalim si Kiro at napataas ng kilay.
“Hindi mo ba kami kilala?,this is the most capable in this metropolitan then sasabihin niyo na hindi kami pwedeng pumasok can you give me the exact reason?"
Nagkatinginan ang mga guwardiya at tinanong ang isa’t isa kung kilala ba nila ang dalawang nilalang sa kanilang harapan.Hindi rin nila nakilala si Pria dahil linagyan ni Pria ng bangs ang kanyang sarili dahilan upang hindi siya makilala.
“Ginagawa lang namin ang aming trabaho boss.”
Napatingin si Kiro kay Pria at sinenyasan na gumawa ng eksena.Umarteng natutumba si Pria kaya inalalayan siya ni Kiro.Napatingin ang gwardiya kay Pria ng umarteng siyang nasusuka.
“Nahihilo ako at hindi maganda ang pakiramdam ko...sumasakit rin yung ulo ko,baka mamatay ako,”
Saad ni Pria at napahawak sa kanyang ulo.
“Please let us in,she needs a check-up makakaya ba ng konsensya niyo na makakita ng isang babaeng naghihirap?”
Pag-uusig ni Kiro sa kanilang konsensya.
"Anong nangyayari?"Biglang tumambad sa kanilang harapan ang isang babae naka puting uniporme nang nars at may nakalagay na "Head nurse " na tag sa kanyang uniporme.
“Nagpupumilit silang pumasok kailangan daw matingan ang kanyang kasama,”Sagot nang isa bantay sa kanya, napatingin ang nars sa kanila nang tumama ang mata nila ni Kiro na tila nagsusumamo.Matangkad ito, maputi ang balat, makapal na kilay,kulay tsokolate na buhok at may maliit itong nunal sa kaniyang ilong.
"Pero-"
“Ako na ang bahala magpaliwanag sa mga nakakataas basta hayaan mo silang makapasok,”
Saad nito sa kanila at tiningnan muli si Kiro mula ulo hanggang paa.Dahil sa utos na binigay saka nila ay agad nilang binuksan ang pintuan at pinapasok ang dalawa.
"Have a seat."
Itinuro ng nars sa kanilang dalawa ang dalawang upuan na magkaharap.Umupo naman sina Kiro at Pria habang kinuha naman ng nars ang isang form bago umupo.
"I'm Evie the Head Nurse of the Basco Hospital, pasensya na at hindi kayo pinapasok agad masyadong mahigpit lang ang security namin."
Nagkatinginan sina Pria at Kiro dahil alam nilang kasinungalingan ang lahat ng iyon.
"So may I hear your problems?"
Tanong ni Evie sa kanila at kinuha ang kanyang ballpen na nakaipit sa kanyang dibdib at maririnig ang click ng kanyang ballpen.
"Lately I've been so sick like,ummm how can I say this?I'm feeling so dizzy and sometimes I vomit."
Gulat na napatingin si Kiro kay Pria bago napatikhim at umayos ng upo.
“What's your name po?”
“Pri-”
"Prietzel Gonzaga,"
Bago paman sabihin ni Pria ang kanyang tunay na pangalan ay si Kiro na ang nagsalita.Napatingin naman sa kanilang dalawa ang nars at saka sinulat ang pangalan.
"Birthday?"
Nagkatinginan naman sina Kiro at Pria ,sinagi ni Kiro ang paa ni Pria na siya na ang sumagot sapagkat siya naman talaga ang tinatanong.
"May,15,1997,"
Sagot naman ni Pria at iniisip pa kung ilan taong gulang na siya ngayon kapag iyon ang petsa ng kanyang kapanganakan.
"Ilang taon na po ba kayo nag sasama?"
Tanong ng nars habang sinusuri silang dalawa. Inilibot ni Kiro ang kanyang paningin at nahagilap niya ang mga mata ng mga tao na nakatingin sa kanila ang iba ay tila nakikinig rin sa kanilang pinag uusapan.Binalewala niya na lang ang mga titig na iyon at ituon ang pansin sa kanilang kasalukuyang sitwasyon.
''F-five years na po,"
Sagot ni Pria at hinawakan ang kanyang earpiece ng biglang magsalita si Shin sa kabilang linya.
"Location confirmed,Kiro East wing near the comfort room,"
Saad ni Shin nang matagumpay niyang na hack ang CCTV nang hospital.
"Kiro just get only one,”
Utos ni Hence sa kaniya habang matalim na tinitingnan ang paligid.Napaupo naman ng maayos si Yvosia at pinipigilan na ipakita na siya ay kinakabahan kung magtatagumpay ang plano na kanyang ginawa dahil kung hindi malalagay siya sa kahihiyan at mapapahamak ang kanyang mga kasama.
"Excuse me nurse,pwedeng magtanong kung nasaan ang comfort room niyo?"
Tanong niya upang hindi mahalata na alam niya kung saan ang lokasyon nito.Itinuro naman ng nars ang west wing.
"West wing po sir then just go straight,”
Saad ng nars at patuloy na tinanong si Pria at nililista ang mga gamot na kailangan nito.
"Thank you,honey Cr muna ako ha."
Nagulat naman si Pria sa sinabi ni Kiro ngunit sinabayan niya na lang ito.
“Sige honey,balik ka agad ha.” Lumapit si Kiro sa kanya at umaktong humalik sa pisngi ni Pria pero bumulong lamang ito.
“Kunin mo ang atensyon ng mga taong iyan dahil kanina pa tayo sinusundan ng tingin mahirap na baka mabisto tayo,”Bulong nito at nag thumbs up lamang si Pria.Nagsimulang umalis si Kiro at hinanap ang kwarto kung saan nakalagay ang mga antidote na galing sa Estados Unidos.
Room for staff only,dangerous chemicals inside.
Binasa ito ni Kiro at sinuot agad ang gloves na nakatago sa kanyang bulsa.Alam niyang malalaman rin ng mga tao na may nawawalang antidote at dahil hawak ni Shin ang CCTV ay maari niyang madelete ang footage niya at ang natitirang paraan na lang ay ang kanyang fingerprint kaya hindi niya papayagan na hindi niya matagumpayan ito.
"Hello, Hence,Yvosia,Shin I'm already here inside."
Tumambad sa kanya ang kwarto na walang ilaw at tila maalibok.Isinara niya ang pinto at kumuha siya ng flahlight upang mailawan ang paligid.
"Maraming boxes rito may hint ba kayo kung ano mukha ng lalagyan ng antidote?"
Tanong nito sa kanila at tinuon ang flashlight sa mga kahon at hinanap kung saan nakalagay ang antidote.
“It has a label for sure,” Sagot sa kanya ni Hence.
"Alright,alright."
Hinahalughug niya ang ibang mga kahon ngunit walang laman ang mga iyon napahatsing rin siya sa mga alikabok na nagliliparan.Umatras siya sanhi ng pagkawala niya ng balanse napaupo siya sa malamig na sahig muli niyang pinulot ang flashlight at nailawan nito ang isang sa mga kahon.
Antidote
Manufactured in United States of America
Napatayo siya at nilapitan ang kahon na iyon at sinuri ito ng maigi,bukas narin ang kahon na iyon at iilang antidote na lang ang natira.
Napalingon si Kiro sa pinto ng biglang nakaramadam siyang tao sa pinto.
"Evie wala pa bang bakuna para sa virus ?"
Natigilan ang mga nurse ng marinig ang tanong ni Pria sa gitna ng kanilang pagkukwentuhan.
Umiiling si Evie at ngumiti.
"Wala pa po eh,hindi pa dumadating."
Napapuot ng noo pagkunyari ni Pria.
"Ah sana matapos na ito para maging normal na ang lahat,"Saad ni Pria.
"Oo nga po,"Segunda ni Evie.
"Honey so kamusta anong sabi?"
Sabay silang napalingon kay Kiro na biglang sumulpot sa tabi ni Pria.
"Base po sa sinabi ni Ms.Prietzel ay maaring nagdadalang tao siya but to confirm that I suggest na mag pregnancy test siya,and off duty pa po ang obstetrician kaya hindi siya matingnan ngayon pero pwede po kayo bumalik bukas,"
Saad ng nars sa kanila at ibinigay ang listahan ng mga gamot at ang mga dapat at hindi dapat kainin ng isang buntis.
"Thank you but hindi rin kami makakabalik bukas may flight kami papunta ibang bansa at baka doon narin niya ipagpatuloy ang kaniyang check up.Since it's better na malayo siya sa mga stressors,"
Saad ni Kiro na parang may katotohanan ang kanyang mga sinabi inalalayan niya namang tumayo si Pria.
"Yes po agree ako diyan".Saad ng isang nars sa kanila sinapak naman siya nang katabi dahil hindi naman siya ang kausap nito.
"Sige po maraming salamat mauna na kami,"
Saad ni Pria at hinila niya papalayo si Kiro.
Dumaan sila sa likuran kung saan hinihintay sila ng iba pang nilang kasama.Nang makaalis sila ay nag bulungan ang ibang staff tungkol sa kanila.
"Honey so kamusta anong sabi?"Sabay silang napalingon kay Kiro na biglang sumulpot sa tabi ni Pria.
"Base po sa sinabi ni Ms.Prietzel ay maaring nagdadalang tao siya but to confirm that I suggest na mag pregnancy test siya,and off duty pa po ang obstetrician kaya hindi siya matingnan ngayon pero pwede po kayo bumalik bukas".Saad ng nars sa kanila at ibinigay ang listahan ng mga gamot at ang mga dapat at hindi dapat kainin ng isang buntis.
"Thank you but hindi rin kami makakabalik bukas may flight kami papunta ibang bansa at baka doon narin niya ipagpatuloy ang kaniyang check up.Since it's better na malayo siya sa mga stressors".Saad ni Kiro na parang may katotohanan ang kaniyang mga sinabi , inalalayan niya namang tumayo si Pria.
"Yes po agree ako diyan".Saad ng isang nars sa kanila sinapak naman siya nang katabi dahil hindi naman siya ang kausap nito.
"Sige po maraming salamat mauna na kami".Saad ni Pria at hinila niya papalayo si Kiro.
Dumaan sila sa likuran kung saan hinihintay sila ng iba pang nilang kasama.Nang makaalis sila ay nag bulungan ang ibang staff tungkol sa kanila.
"Oh ano nakuha mo number ni sir?"
"Anong pangalan daw maka stalk nga natin"
"Hindi eh yung girl lang ang kinuhaan ko ng info"
"Ay"
Agad sumakay sina Kiro at Pria sa kanilang sasakyan.
"Ano wala bang may nakakita?"
Nag-alalang tanong ni Pria.
"Muntikan na pero hindi pa naman na huli,"
Saad ni Kiro at sinuot ang kanyang seatbelt.Sinuot rin ni Pria ang kanyang seatbelt.Pinaandar ni Kiro ang sasakyan papunta sa direksyon nina Hence.
Lumabas sila ng sasakyan nila at may dumating na isang motor na may dalawang sakay na sibilian.
"Gerald,Jackson kayo na ang bahala dito ah ingatan niyo yan."
Hinagis ni Kiro sa dalawa niyang kasamahan na tinawagan niya ang susi ng kotse na dadalhin pabalik sa SU.
“Copy that captain!”Saad nila at sumakay sa loob si Gerald unang magmaneho ng sasakyan ni Kiro habang si Jackson ang nagmaneho ng motor.Nang makaalis sila ay sumakay agad sila sa sasakyan ni Hence na naghihintay.
"Did you get it?"Tanong ni Hence at napatingin sa rear mirror.
"Of course ako pa."
Agad kinuha ni Kiro ang maliit na bote at ibinigay ito kay Hence.
"Omedetōgozaimasu, yarimashita !( Congratulations,we did it),"Biglang saad ni Shin at pinindut ulit ang laptop na hawak niya.
"Since we already have the antidote, where's our next destination?"
Tanong ni Yvosia sa kay Hence, kinuha ni Hence ang kaniyang cellphone at tila may binabasa. Pagkatapos niyang basahin kung ano mang artikulo iyon ay binulsa niya ang kanyang cellphone at pinaandar ang sasakyan.
"Somewhere we can play it,"
Saad niya at patuloy sa pagmamaneho.