Chapter Three

1758 Words
Chapter Three "Im sorry kung pinapunta kita dito kahit na alam kong day off mo, dapat ay nagpapahinga ka." aniya. Tinaasan ko siya ng isang kilay at hindi makapaniwalang tinignan siya. He's my 'Boyfriend', yeah right. Patrick Salves. Tignan lang ang mukha ng taong ito ay talagang masakit na sa mata. Ilang taon ko rin ito kinamuhian dahil nga gago siya at pinahiya ako sa public, at ngayon ang araw na iyon. Nalaman ko kay John kung anong date ngayon at ito pala ang araw na paghihiwalay namin at ang araw na pinahiya niya ako sa maraming tao. "Bakit gusto mong makipagkita gayon'g alam mo naman na rest day ko?" I deserve my rest day, Jerk. Sa mga nangyari ba naman. Kailangan ko talaga ng pahinga. Hindi ko pa din lubusang matanggap ang pagkamatay ko. That darn stupid asshole Prince. f**k him to death! I'm so happy that I had given a chance. Kahit na gustong-gusto ko na mamatay noon dahil nga nawala na sa akin ang magulang ko, pati si John ay hindi ko pa rin magawa. Napakunot noo ako sa ginawa niyang paghawak sa aking kamay at hindi pa nakuntento at pinagsiklop pa ang mga kamay naming dlawa. Disgusting s**t. I want to vomit. Pilit kong binabawi ang kamay ko ngunit matigas ang bungo ng isang ito at ayaw pakawalan. "I'm sorry, Maya. We need to break up." sabi niya. Inaasahan kong tatanggalin niya ang pagkakahawak sa kamay ko ngunit hindi nangyari. May nakikipag-break bang hahawakan ang kamay? Wala! Siya lang. Hindi na ako nagulat pa ng sinabi niya na magbreak na kami. Inaasahan ko na ang pangyayaring ito. Well, parehas na parehas lang naman sa nangyari noon. Tumango tango ako bilang pagsang-ayon. "Kahit hindi mo naman sabihin sakin na magbreak na tayo ngayon, para sa akin ay hindi na kita kasintahan." Para siyang naistatwa sa pagkakaupo. May kung anong reaksyon ako nakitang dumaan sa kaniyang mga mata ngunit agad ding nawala. Naramdaman ko ang pagluwang ng paghawak niya sa kamay ko kaya't nagkaroon ako ng pagkakataong bawiin ang aking kamay. Sa wakas. "Akala ko... akala ko..." hindi niya maituloy ang susunod pa niyang sasabihin. Nagtataka ako dahil sa past life ko ay wala naman siyang sinabi na ganito. Deretso na siya sa 'kaya ako nakikipagbreak sayo dahil sa manang ka manamit, mahilig sa libro at hindi palaayos.' Hindi lang niya sinabi iyon. malakas pa niyang sinabi at sapat na upang marinig ng mga tao sa restaurant na kinalalagyan namin. Ano bang nabago? Hindi pa naman ako kumikilos. Kumuha ako ng pera sa dalang bag at nilapag sa lamesa. Hindi na ako makapaghintay pang umalis. "My bill for the coffee," sabi ko at tumayo na. Hindi ko na papakinggan pa ang sinabi niya noon. Sure ako na masasaktan lang ako ulit. Sino ba ang hindi masasaktan kung ang pagkatao mo ay inapakan? Maglalakad na sana ako paalis nang magsalita pa siya. "Hindi mo ba ako tatanungin kung ano ang dahilan?" No need, asshole. Alam ko na. Napabuntong hininga pa ako bago siya harapin. "Worth it ba ang dahilan mo? Sa pagmamahal, walang rason-rason sa relasyon kung mahal mo talaga ang partner mo. Gets mo ba?" Nanatiling nakatingin siya sa akin. Kung hindi pa ako naglalakad paalis ay hindi pa siya magsasalita. Not that I want to hear his voice, my ghad. He grabbed my hand kaya napatigil ako sa paglalakad. "Bakit nagbago ka? Hindi na ikaw ang kilala kong Maya." aniya na para bang kilalang-kilala niya ako. Ugh! This Jerk! "Let me go, Pat. Wala ako sa mood makipagusap sayo." Yeah, mas may importante pa akong kailangan gawin kaya sana.. sana hayaan mo na akong umalis! Ghad, Cassie. "May iba ba? Dahil kung wala, bakit ka ganiyan? Boyfriend mo pa ako.." What is this guy saying? "Hey! Correction, ha. Ex- boyfriend. Bitawan mo nga ako. Ano bang trip mo? Lakas amats ah." di makapaniwalang sabi ko. Ang gago naman netong isang ito. Nahihibang yata. "Bakit pumayag ka na maghiwalay tayo? Kung ibang girlfriend yun, magmamakaawa silang 'wag silang iwan. Bakit ikaw? Hindi?" What? Is he for real? Gusto niya akong magmakaawa? Tulog ba to? "Well new flash, Jerk. Hindi ako ganoon (well, dati 'yun.). Hindi ka naman kawalan para magmakaawa ako. Ikaw na nga ang nagsabi na maghiwalay tayo, hindi ba? What change?" Malakas at buong puwersa kong binawi ang aking braso at malalaki ang hakbang na lumabas sa Restaurant. Gago 'yun. Gusto pang umiyak ako at magmakaawa sa harapan niya. Noon, nagawa ko pero 'di na ngayon. Naisipan kong tawagan ang batang iyon kaya naman ginawa ko. Nasa school siya at sigurado akong nagcu-cutting class. Tamad mag-aral, eh. Simula kasi ng mamatay ang Mommy namin, nawalan na siya ng gana mag-aral. Papasaan ba daw kung wala na siyang inspirasyon sa pag-aaral. Binatukan ko nga, wala ba ako sa tabi niya? Hindi man lang ako naisip. Ilang ring lang ay sinagot na rin niya. 'What?' aniya sa kabilang linya. Halata sa kaniyang boses na bored sya. "Hi, My Dearest Brother!" bati ko dito at huminto sa paglalakad ng nasa pedestrian na. Red light ang stop light. 'Yeah, yeah. How's your date with that boyfriend of yours?' Hindi ako nagdalawang isip pang sagutin siya at sinabi na nagbreak na kami. Matagal din siyang natahimik bago sumagot. 'Wanna hangout?' tanong niya pagtapos di magsalita. "Oho~ Concern ba ang 'lil bro ko? Don't worry, ayos lang ako." Rinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya at ibang boses. Siguro ay mga kaibigan niyang nag-cutting classes din katulad niya. 'I know you cried. Marupok ka ba naman.' "Tsk. Matanong ko lang, kapatid ko. Bakit ba nag-cu-cutting classes ka?" tanong ko rito kahit na alam ko na ang sagot. 'History kasi ang subject and I hate it, idagdag mo pa ang professor na puro kwento lang sa time niya. Nakakaantok kaya.' Well, agree ako. Lalo na ang Professor sa Algebra. Napatango-tango ako sa sagot niya at nagsimula ng tumawid nang makitang green light na. Saan kaya ako pupunta today? 'You still there?' tanong niya mula sa kabilang linya. "Ah, yes. By the way, hang out tayo?" tanong ko sa kaniya. 'Ok, I'll see you in a minute.' aniya. "Sa Department Store tayo mag-meet." sabi ko. Nagpaalam na kami sa isa't isa kaya naman pupunta na ako sa Dept. Store. Nang makarating ay naupo muna ako sa isa sa bench at pinanood ang mga taong nagsisidaanan. Few months from now, wala ng mga tao ang malayang makakalabas sa kanilang bahay dahil sa takot na dakipin sila ng mga bampira. Few days nalang ang bibilangin at magsisimula ng magpakita ang mga bampira. Kikilos na sila at papatay na ng mga tao. At para bang nasa gyera ang pamumuhay saka ang posibilidad na makaligtas ay isang porsyento lamang. Doon ko nalaman na mahalaga ang buhay at ang pamilya. Nawala sakin ang kapatid ko at ayaw ko ng mangyari pang muli. Gagawin ko ang lahat upang maging ligtas lang si John. Kung ang tanging solusyon upang maligtas at maprotektahan si John ay ang alam ko sa mga mangyayari at ang tungkol sa mga bampira, gagamitin ko. "'Sis!" Napatingin ako kay John na ngayon ay nasa harap ng mukha ko at sobrang lapit. Titig na titig siya. "You okay? Kanina pa kita tinatawag, hindi mo ako naririnig." Umiling-iling ako at inalis ang mga iniisip. "I'm okay. May iniisip lang. By the way, kanina ka pa?" Lumayo siya at tumuwid ng tayo. "I think we should go home. You need to rest, day off mo ngayon." aniya na may awa sa mga tingin. Bumuntong-hininga ako at tumayo na rin. "Yes, day off ko nga kaya kailangan natin mag-shopping. Who knows kung magagawa pa natin 'to." Yes, hindi na natin magagawa ang gusto natin. Imposible na iyon sa mga darating na mga araw. "But, you need rest. Hindi ka man lang binigyan ng Day off every weekend. Day off mo lang once in a month, Kung hindi naman ay once every two months. Ang unfair ng Company ninyo. Dapat talaga mag-resign ka na jan." Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil totoo naman, kung ang 'ako' noon ang sinabihan niyan ay baka ipinagtanggol ko pa ang kumpanyang iyon. Hindi na ngayon. Naaalala ko pa noon na nanghingi ako ng tulong sa Boss ko ng mawala si John at hindi na nakita pa, hindi nila ako tinulungan at ibenenta pa sa bampira. Ang sakit lang dahil wala na ang Humanity noon ng panahong iyon. Sana hindi na maulit. Inakbayan ko nalang siya at nagsimula ng maglakad. "Whatever you say,'Lil bro. Whatever you say." Dinala ko na siya sa loob ng Dept. store at nagsimulang mamili at sumukat ng mga damit na babagay sa aming dalawa. Nagrereklamo pa nga ang isang ito dahil ang gaganda ng mga damit na pinili ko sa kaniya at medyo may kamahalan. 8 days from now, magkakaroon ng Big Cases ang mga kapulisan dahil sa sunod-sunod na pagkamatay ng mga tao sa iba't ibang lugar at kagagawan iyon ng mga Bampira. Well, there's a story. Million Years Ago, namumuhay ang mga bampira sa mundong ito, payapa at wala pang Tao. Mga bampira pa lamang ang naghahari sa mundong ibabaw. Naikwento lang ito ni Hyacinth na isang taong tulad ko. Marami siyang alam sa mga bampira dahil nakasama daw niya ang mga ito ng matagal. Natapos lamang ang paghahari ng Bampira ng unti-unting nagkaroon ng panibagong species called Human at dahil na din daw sa Isang magandang babae na nagpatibok ng puso ng Haring Bampira. Natulog ng maraming panahon ang mga Bampira sa isang secluded na lugar at tanging vampire at half vampire lamang ang makakakita at makakapasok. "I think it suits you." kumento ni John. Gosh. I felt bad towards John. Siya ang kasama ko pero iba ang iniisip ko. "Yeah, I like that Bag." ngiting sagot ko. Kailangan kong alisin ang naiisip ko at mag-enjoy kasama si John. "Pagtapos nito, kailangan natin mag-grocery." sabi ko. Nag-agree naman sya. Matapos magbayad ng mga pinamili ay dumeretso na kami sa Supermarket. Naghiwalay kaming dalawa para maging mabilis daw kaming makapagpamili. Ayaw ko man ay sinunod ko pa din siya. Siya sa personal needs at ako naman sa foods and seasonings. Marami-rami na akong nailalagay sa cart kaya sa meat section na. Huli ko talaga binibili ang meats para hindi masyado mawala ang lamig kapag binayaran na. Lalapit sana ako sa bilihan ng Beef ng may maaninag na pamilyar na mukha. Nanlamig ang buong katawan ko. The only man who got my virginity, the man who brought, r***d and killed me. The man I loathed. Jackson.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD