Chapter 2

1605 Words
CHAPTER 2 MIKKZ POV "Miss Mikkaela?" "Huh?!" nagtaas ako ng paningin. Nakita ko na nag-aalalang nakatingin sa akin si Ms. Jane, coordinator ng party. Hindi ko alam kung ilang beses niya akong tinawag sa pangalan ko bago ako nakasagot. "Are you okay? Nahihilo po ba kayo?". "No. Ano ulit ‘yon?" "Pinapatawag po kayo ni Mam Mariz, nasa labas po siya at naghihintay sa ‘yo," paalala niya sa akin. Nung marinig ko ‘yon ay hindi ko na nagawang magsalita pa at nag-aapurang lumabas na ako agad at hinanap si Mommy. At nakita ko agad siya, malapit sa elevator. May kausap siyang isang lalaki na nasa 50's na rin siguro. "This is my daughter, Ana Mikkaela and baby, this is Mr. Noel Beltran, daddy ni Christian. Hindi pa kayo nakapag-meet before dahil lagi syang nasa overseas," malambing na pakilala sa amin ni Mommy habang nakayapos pa sya sa baywang ko. Magalang akong bumati sa lalaki. "Wow, you're so beautiful, hija, lalo at upclose, sabi nga nila like mother like daughter," puri niya sa amin habang nakikipagkamay siya. "Thank you po," nakangiting sabi ko. Tapos ayon at animated silang nag-usap na dalawa. Kung anu ano ‘yung pinag-usapan nila hanggang sa sabihin nga niya how apologetic siya sa ginawa ng anak niyang si Christian sa hindi pagsipot sa birthday ko blah blah blah... Basta nakinig lang ako hanggang sa magpaalam na ang daddy ni Christian sa amin. "No. Kami na lang dalawa, kumain na muna kayo ng mga kasama mo," narinig kong utos ni Mommy sa bodyguard na kasama namin. Akmang susundan kasi kami nito after naming makasakay sa elevator. "Sige ho, salamat ho ma'am," nakangiting sagot naman nung SG at hinayaan na nga niya kami. "It's because you're so slow that I have to deal with that stupid, dirty old man. I told you not to make me wait, didn't I? Pero anong ginawa mo? Ang tagal mo bago lumabas ng kwarto!" sita agad sa akin ni mommy pagkasarang pagkasara ng pinto ng elevator. Hindi man niya ako nilingon ay bakas naman ang pagkainis sa boses niya. "I… I'm sorry mommy. Hindi ko naman po ta---." "Ma'am Mariz... Call me Ma'am Mariz ‘pag tayong dalawa lang! Naiintindihan mo?" walang emosyong sabi pa nito. "Sorry po, Ma'am Mariz," napayukong sabi ko. Nagsisimula nang mag-init ang gilid ng mga mata ko. Hindi naman ganito ang trato sa akin ng taong ito. She used to be the sweetest person I know until two years ago. Hindi ko alam ang nangyari at bigla na lang siyang nagbago ng pakikitungo sa akin. Hanggang ngayon ay malaki pa ring pala isipan sa akin yon dahil sure naman ako na wala akong ginagawang mali. Lagi ko namang sinusunod ang rules ng pamilya nila. I'm doing my best to fit in kahit hindi ako totoong Yogore. Sometimes a bit too hard pa nga. My tears started to fall. Hindi ko napigilan ang sarili ko. "You don't have the right to cry, Mikkaela! Ako ang magsasabi kung kailan ka iiyak at kung kailan hindi! Stop your stupidity! Okay? Gusto mo bang maging kawawa sa harap ni Mama? Ang akala mo ba ay papanigan ka niya, ha?" inis singhal pa niya sa akin. Hindi na lang ako kumibo at dahan-dahan akong nagpahid ng luha habang nakasunod ako kay Mommy. Naglakad kami sa kahabaan ng hallway ng hotel. Walang ibang tao maliban sa ilang mga naka-uniform na personal bodyguard na nandoon. Dahilan na din para magsimula akong kabahan. Huminto si Mommy sa harap ng isang suite. Sa likod ng pintong ito ay nandon ang tinaguriang batas ng mga Yogore. Si Madam Condeza Yogore. ‘Yung kabang nararamdaman ko ay napalitan na halos ng takot. Ganito lagi ang pakiramdam ko tuwing makakaharap ko ang terror na matanda. Siguradong pagagalitan na naman niya ako nito. Imposible naman kasi na babatiin niya ako ng happy birthday, ‘di ba? Every time na lang ay parang nag-skip ng beat ang puso ko. At parang kakapusin ako ng hininga. Nung pagbuksan ako ng pintuan ng assistant ni Lola ay hindi na ako sinamahan ni Mommy sa loob. Sa ginawa nyang iyon ay lalong dumagundong ang kaba sa dibdib ko. "Naroon po sila," nakangiting itinuro sa akin ng PA ni Lola ang kinaroroonan niya. Bago pa ako makalapit doon ay may mga narinig na akong mga boses na nag-uusap. Actually, parang mga nagtatawanan pa nga. Nabungaran ko si Kuya Eri na kausap si Lola. Mukhang masaya ang pinag-uusapan nila dahil bakas naman sa mukha ng matandang babae na nasisiyahan siyang kausap ‘yung isa. Nung makita ko siya ay may kung anong saya akong naramdaman sa puso ko. Hindi pala totoong nakalimutan niya ang birthday ko dahil nandito na siya. Tahimik ko lang silang pinagmasdan. Sa lahat ng mga apo ni Lola ay si Kuya Eri talaga ang paborito niya. Kahit siya ang pinakapasaway at laging may trouble ay siya lang talaga ang may kakayahang pangitiin ang masungit na matanda. Sabagay hindi lang naman si Lola ang kaya niyang pangitiin. Kundi ang halos lahat ng mga babaeng nasa paligid niya. At aminado ako na isa ako sa madaming babae na ‘yon. Iyon nga lang, dahil nakagisnan namin na magpinsan kami ay wala akong karapatan na mapabilang. Pwedeng humanga pero wala ni katiting na karapatan para magparamdam ng nararamdaman. Kaya ang feelings ko para kay Kuya Eri ay itinatago ko lang sa pinakamalalim na parte ng pagkatao ko. Kasama ang pinakatatagong lihim ng pamilya na hindi ako isang Yogore. Isa lamang akong batang iniwan ng nanay niya sa isang club upang takasan ang responsibilidad niya. Isang bata na sinuwerteng mapabilang sa isang mayamang angkan nung ampunin ako ni Mommy Mariza. Pitong taong gulang ako nung unang magkrus ang mga landas namin. Ang alam ko nung mga panahon na yon ay naghahanap talaga siya ng isang batang babae na nasa edad ko. At ang requirement pa nga niya ay kailangang ‘yung may foreign blood. Gusto niya daw kasi ay ‘yung may kakaibang ganda. Since Spanish ang customer na nakabuntis sa nanay ko ay eto nga ang kinalabasan ng itsura ko. Kaakit-akit na rin sa kabila ng halos gawin akong utusan at punching bag sa club na pinagtapuan sa akin ng tunay kong ina. Kinupkop ako ni Mommy Mariza at itinuring na anak niya. Nung umuwi kami sa pamilya niya ay may kasama pa ‘yung drama na iniwan kami ng aking ama. Hindi ko na alam kung ano talaga ang eksaktong nangyari noon. Basta ang alam ko, hindi naman agad kami kinausap ng matandang Yogore. Parang lumipas pa ng ilang buwan bago niya kami payagang umuwi sa hacienda nila sa San Simon, kung saan nga nakagisnan ko ng kasama si Kuya Eri at si Uncle Bert na ama niya. Sa murang edad ay alam na alam ko naman kung bakit narito ako sa pamilya ng mga Yogore. Kung ano ang purpose ng pag-ampon nila sa akin. Alam ko na darating ang panahon na kailangan ko nang pagbayaran ang lahat ng mga kaginhawahan na pinaramdam nila sa akin. Alam ko na isa sa mga araw na ito ay kakailanganin kong magpakasal sa lalaking itatakda nila para sa akin. Sa isang lalaki na kailangan kong pakisamahan at pagsukuan ng lahat sa akin kahit wala akong nararamdamang pagmamahal. It doesn't matter kung sino ito o kung may pagmamahal din sya akin. Basta ang mahalaga ay masiguro nila na patuloy pa ring mamamayagpag ang mga Yogore sa itaas. At mangyayari lang ‘yon kung ang makakasama ko sa buhay ay galing din sa isang mayaman at maimpluwensyang angkan. Isa din ‘yan sa kadahilanan kung bakit kailangan ko nang kalimutan ang ano mang damdamin ko para kay Kuya Eri. Simula pa lang kasi ay naghuhumiyaw na ang katotohanan na hindi naman talaga kami puwede. "Mikkz what are you doing there?" narinig kong tanong ni kuya Eri sa akin. Nung tingnan ko siya ay nakangiti siya sa akin kaya automatic na napangiti din ako. Ang guwapo niya kasi lalo na sa suot niyang formal attire. Ano ang panama sa kanya ng mga artista sa tv? "Come here, Mikkz," tawag niya ulit sa akin at kinawayan akong lumapit. "Sabi ko sa ‘yo, huwag mong pinaghihintay ang pinakamabait at pinakamagandang lola sa buong mundo, ‘di ba?" pambobola pa niya sa matandang babae na nakaupo sa magarang wheelchair niya. "Sorry po, Lola," nakangiting sabi ko nung lumapit ako. "Kumusta po kayo?" I lean forward to kiss her in the face. Sobrang ingat ng ginawa kong pagkilos dahil ayaw kong magkamali. And at the same time ay ayaw kong magmukhang stiff ang kilos ko sa harap ni Kuya Eri. Baka kasi makahalata siya sa amin ni Lola. "I'll talk to you next time in private," bulong sa akin ni Lola. Like sa tonong ginamit ni Mommy kanina ay cold din siya. Hindi ko tuloy maiwasan ang kabahan. Mukhang meron na naman akong nagawa na hindi niya nagustuhan. "Happy birthday, hija. You look great today," maya-maya ay bati sa akin ni Lola. Again, tulad ni Mommy ay maganda ang pakikitungo niya sa akin ‘pag may kasama kaming iba. "Thank you po, La. Most especially po sa napakagandang birthday party na inihanda n’yo po para sa akin. You gave me more than I deserve kaya thank you po talaga," taos-pusong pasasalamat ko. Mixed emotion pa nga ako kaya parang gusto ko pang maluha. "You are my only granddaughter, Ana Mikkaela. Of course, you deserve the very best, hija. And you know I can give you everything as long as you will be obedient to me, right?" seryosong sabi nya habang nakatitig sya sa aking mga mata. Itutuloy...

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD