bc

I Dare You To Love Me

book_age18+
390
FOLLOW
3.4K
READ
decisive
drama
bxg
city
affair
civilian
like
intro-logo
Blurb

"Hindi ko siya kadugo pero siya ang taong hindi ko pwedeng mahalin."

Bata pa lang si Mikkz ay nakagisnan na niyang kasama sa buhay ang pinsan niyang si Eri. Akala niya, ang espesyal na nararamdaman niya para dito ay paghanga lamang bilang isang kapamilya. Subalit isang araw ay nagising na lamang siya na hindi na niya kaya pang pigilan ang damdamin para sa binata. Naglakas-loob siyang umamin dito at doon ay nalaman niya na kapareho pala niya ay may pagtingin din ito sa kanya.

Paano nila haharapin ang mga pagsubok sa pag-iibigan nila kung ang kapalit ng kaligayahan nila ay ang pagkawasak ng kanilang pamilya?.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
CHAPTER 1 MIKKZ Point of View LUCKY and BLESSED. ‘Yan ang mga kadalasang salita na naririnig ko describing the only granddaughter of Yogore's. Lucky because not everyone is born into a wealthy family. Blessed because they believe that she can get whatever she wants. And because of that everyone expects her to be perfect, at hindi pwedeng magkamali. Duh! Medyo nakaka-pressure! I mean, sobrang nakaka-pressure to the point na matatawag na siyang isang kawawang nilalang! At ‘yung kawawang nilalang na ‘yon, just happened to be me. Yes, I am Ana Mikkaela Yogore Alcaraz. Only child of Mariza Yogore Alcaraz. My mommy is the second of the three children and only daughter of the late Juan Eriberto Sr. and Madam Condeza Sy Yogore. Famous sila dahil nga mayaman sila due to their businesses and other transactions. Not to mention, ‘yung connections nila sa mga kilalang mga tao. Dahil nga mayaman, dignity is everything. Takot sa kahihiyan. Sa tatlong anak pa naman nila ay ang mommy ko daw ang pinakapasaway. Sabi nila... Noon daw, she ran away from her family and responsibilities. Nagmagaling siya, nag-abroad at namuhay mag-isa. But unfortunately, 11 years ago bitbit ang 7 years old niyang anak na pinagtaguan na ng Spanish na tatay nito ay umuwi siya. Nagmakaawa siya na tanggapin ulit ng pamilya nila. So, ayon... Ako ‘yung batang ‘yon. Sa trauma yata ng Lola ko sa mga pinaggagawa ng nanay ko noon ay all eyes tuloy siya sa akin. Lagi ba naman siyang harsh sa akin! Sus! Feeling niya siguro, gagawin ko din ang ginawa nito noong araw. Feeling na hindi malayong mangyari kung sobrang higpit nila sa akin. Napangiti ako sa naisip kong yon habang nakatitig sa repleksyon ko sa malaking salamin. Nasa room ako ngayon ng isang five-star hotel sa Manila suot ang isang mamahalin at magandang gown na gawa pa ng isang sikat na designer. Very classy din ang ayos ng nakataas na buhok ko, very vintage na naaayon sa theme. Tumayo ako at pinagmasdan ko ang aking sarili. Tingin ko ay nagmukha akong prinsesa. 18th birthday ko naman kasi. Bagay na bagay din ang pagkaka-makeup sa akin ng kilalang makeup artist ng mga sikat na artista. Tingin ko pa nga ay mas lalo akong nagmukhang foreigner. Spanish kasi ang tatay ko. Sabi nila, namana ko daw ang karamihan sa features niya. Brown hair, brown eyes, prominent nose bridge, pale skin and good height. 5'6" kasi ako. "Mikkz?!" Napalingon ako sa boses na tumawag sa akin sa gawing pintuan. Very occupied ako kaya hindi ko na napansin na may nakapasok na pala. "Kuya Dave! Francis!!!" surprise na sigaw ko nung makita ko ang dalawang pinsan ko. Lumapit agad ako sa kanila. "O em gi! You're so pretty couz! Very gorgeous, indeed! Happy happy birthday!" maarteng bati ng pinsan kong si Dave at nakipagbeso-beso. Obviously, he's gay. But categorized as sosi na gay, ha. He's 22 years old. "Ikaw din, Kuya Dave, you look good!" Puri ko din sa kanya. He's wearing a tuxedo pero Korean cut. Like sa mga suot ni Vice ganda sa mga shows niya. ‘Yung medyo exaggerated. "Sweetie, call me Davies. Not Kuya! For God’s sake naman, oo!" paalala ulit niya. Pero hindi na ako natuto, lagi pa ring Kuya ang tawag ko sa kanya. Iba talaga kasi ‘pag nakasanayan na. "Happy birthday, Ate Mikkz," shy na singit naman ni Francis. Younger brother siya ni Kuya Dave. He's 15. Ang cute niyang tingnan sa retro outfit niya na may suspender pa. ‘Yun nga lang ay hindi pa rin siya makatingin sa akin nang diretso hanggang ngayon. Nagsimula ang lahat nung nabasa namin sa diary niya na crush pala n’ya ako. "Thank you, Francis, miss mo ‘ko?" nakangiting tanong ko habang inaabot ko ang bouquet of flowers na dala niya. Nahihiyang tumango lang siya. Bumaba tuloy ang suot niyang makapal na eyeglasses. Lumabo na daw ang mga mata nito sa kakalaro ng online games. Naalala ko noon, kaming dalawa ni Francis ang buddies sa mga online games kaya naging close kami. "Thank you so much talaga sa inyong dalawa, buti nakarating kayo. Best gift n’yo na sa akin ‘to, promise!" maiyak-iyak na sabi ko. Madalang ko na kasi silang nakakasama dahil naka-base na sila dito sa Manila. Unlike nung sa province din sila nakatira, close talaga kaming magpipinsan. Anak sila ni Uncle Dominic, ang bunsong kapatid ni Mommy. Recently, ang alam ko ay nasa Japan ang mga ito, kaya akala ko ay hindi sila makakarating today. "Ay, naku. Ikaw pa ba? Hey! Don't cry! Masisira ang makeup mo n’yan, ihh! Kakainis ka!" sabi din nitong nagpunas din ng luha. Nahawa ‘ata sa kadramahan ko. "Come on! Let's take a picture! No time for tears today dahil special day mo, Mikkz!" excited na nilabas ni Kuya Dave ang phone niya at umanggulo sa tabi ko. Best thing na nami-miss ko sa kanya ay pagiging hyper niya. Nahahawa kasi ako sa pagiging masayahin niya. "See! We look so great! Lalo ka na! You're so beautiful, my dear! Of course, next to me, noh!" biro nito na tumawa-tawa pa. "Si Ate Mikkz lang ang maganda!" honest na kumento ni Francis na nagpangiti sa akin. "Talaga ba? Tingin n’yo, dapat na ‘kong mag-artista, ha?" natatawang biro ko at nag-pose-pose pa ako kunwari. Alanganing nagtanguan ‘yung magkapatid kaya nagkatawanan kami. "O em gi! The party will start na! So, where na kaya itong "proxy" ala Prince charming mo, aber?" Nanlalaki ang matang tanong ni Kuya Dave nang maalala ang oras. Biglang pumasok sa isipan nya ang isang pinsan pa namin. Si Juan Eriberto Yogore III, or "Eri" Only child siya ni Uncle Bert, panganay sa magkakapatid na Yogore. Si Kuya Eri ang pinilit kong mag-proxy bilang escort ko. Originally ay si Christian Beltran dapat ‘yon kaso naman ay biglang hindi na siya makakarating. Medyo VIP kasi ang loko dahil apo lang naman siya ng Vice-President ng bansang Pilipinas. Oh well, masyado siyang paimportante. Akala ko pa naman ay mabait siya, ‘yon pala ay isa siyang ungas na paasa. To think na gustong-gusto pa naman siya ni Lola. Sobrang hoping kasi ‘yung matanda na kaming dalawa ni Christian ay magkakamabutihan kaya lagi niya kaming sine-set up na magkita sa mga gathering. One day before ng party ay bigla na lang itong nag-chat sa akin na hindi siya makakarating sa birthday ko. Akala n’ya, iiyakan ko siya? I said, okay lang. O, ‘di ba? Ang bongga! So ayun... Agad-agad ay pinatanggal ko siya sa invitation. Iyon nga lang... ‘Yung proxy naman na kinuha ko ay nakalimot na rin yata. "What the hell? Ayaw niyang sumagot! Alam kaya ng Eri na ‘yan kung anong oras na? I bet, lasing na naman ‘yon kasama ng mga barkada niya. Kaya na iispluk ni Lola ‘yon, eh!" inis na itinago pa ni Kuya Dave ang cellphone niya. Harsh talaga siyang magsalita kay Kuya Eri dahil sila talaga ang magkababata. Same age. Napatingin din ako sa cell phone ko. Pero sa dami kong text sa kanya ay wala man lang siyang reply sa akin. "Nakaka-hurt talaga ang mokong na ‘yon. Patay talaga siya sa akin ‘pag nagpakita siya!" himutok ko sa isip ko. "Very unprofessional ang lolo n’yo, ha? Deads sa akin ‘yan mamaya! Makikita n’ya!" himutok pa ulit ni Kuya Dave na parang nababasa ang naiisip ko. Natawa ako. I mean, hindi ko napigilan ang impit na tawa. "Hey girl, alam ko na dalawang boylet na ang nang-i-indian sa ‘yo bilang escort mo. Pero ang babaw niyan para maloka ka, ha," joke niya. "Kuya Dave naman, eh, siyempre hindi!" depensa ko. "Sweetie, don't call me Dave and please!!! Lalong ‘wag Kuya. Pinalagpas ko na nga ‘yung kanina, ih! Just call me Davis, alright!?" maarteng sabi pa nito na kumumpas-kumpas pa ang mga daliri. Nagkatinginan kami ni Drake. "Kuya Dave, bakit hindi na lang ikaw ang mag-escort kay Ate Mikkz?" seryosong tanong ng kapatid niya. Napatango-tango naman ako. "It's Davis! At halerr! Anong escort kayo diyan? Gusto n’yong katayin ko kayong dalawa, ha?" exaggerated na pinanlakihan kami ni Kuya Dave ng mata. Nagtawanan kami ulit. "Sorry guys to disturb your little reunion, pero hinahanap na kayong dalawa ng daddy n’yo sa baba," nakangiting entrance ni Mommy. "Auntie Mariz! Wow you so look brilliant!" halos mapatiling sabi ni Kuya Dave habang lumalapit silang magkapatid kay Mommy upang humalik. Alright, at maganda naman talaga ang mommy ko. Lalo sa suot nitong gown ngayon ay aakalain mo pa din na dalaga siya at walang anak. Sabi nga ng marami ay kamukha niya si Carmina Villaroel, isang local artist natin. At the age of 40 ay very young pa rin itong tingnan lalo at very sweet ang character nito. "Hindi ko akalain na nandito kayong magkapatid. Sumilip lang ako para ma-check ang baby girl ko," magiliw na sabi ni Mommy tapos ay nag-lean forward siya sa akin. Dahil nga mas matangkad ako ay yumuko ako nang konti. She kissed me gently in my face. Maingat na maingat para hindi malagyan ng red lipstick niya ang mukha ko. Then inilapit niya sa tenga ko ang bibig niya at saka bumulong. "Gusto kang makausap ni Mama. Don't make us wait for too long, or else mapapasama ka sa akin," sabi niya gamit ang original tone niya tuwing kausap ako. Annoyed and irritated. I'm used to her cold treatment but still, it always gives me chill lalo at mabait siya sa akin ‘pag may ibang tao. "Mikkaela, my dear, you look great! Manang-mana ka talaga sa akin anak!" nakangiting puri ni Mommy sa itsura ko after ng pagbulong niya kanina. Ilang segundo lang ay nagpalit na agad siya ng ugali. Ang galing talaga niya. "So, paano? we'll just be waiting for you downstairs, okay? Ilang minuto na lang naman ay mag-start na ang party," nakangiting paalala pa ni Mommy sa akin. Ilang mga conversation pa ang lumipas bago ko matagpuan ang sarili ko na mag-isa na naman sa malaking silid na ‘to. Nanghihinang napaupo ako sa kama. Matagal na silang wala ay parang wala pa ako sa sarili kong katinuan. Itutuloy...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

His Obsession

read
75.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook