MAKULIMLIM ang mukha ni Gilbert habang binabagtas niya ang daan patungo sa tinutuluyan ni Rupert. Pinahanap niya ang tirahan nito kahit saang lupalop pa ito nakatira dahil gusto niya itong makaharap. Hindi siya naniniwala na nakipagbalikan dito si Calixa. At kung totoo man iyon ay hindi siya papayag na basta-basta nalang nito kunin ng ganoon kadali ang kasintahan niya. He will give a goddamn fight! Ipaglalaban niya si Calixa. Ang tagal niyang sinuyo ang dalaga. Ang tagal nilang nagpatintero at ngayong nahuli na niya ito ay hinding-hindi na niya ito pakakawalan pa. Hindi ang pagbabalik lang nito ang babawi sa kanyang kasintahan. Hindi niya akalaing magkakaroon pa sila ng problema ni Cali dahil lang sa ex nito. Inakala niyang hindi magiging threat ang lalaki dahil nga bakla ito. Pero nagkama

