KINABUKASAN ay malapit ng magtanghalian ng lumabas siya sa kanyang kuwarto. Umaga na kasi siya natigil sa kaiiyak ng nagdaang gabi. Kahit anong pagtatangkang kausapin siya ng binata at nila Auntie Mila ay hindi siya lumabas ng kanyang silid hanggang sa ang mga ito na ang mapagod. Hindi na din niya alam kung ano ang nangyari sa panghaharana nito at sa bandang inarkilahan ng binata. Wala na siyang pakialam kahit pa isang sikat na artista pa ang kinuha ng binata para suyuin siya. Ang akala siguro nito ay ganoon lang siya kadaling makukuha at mapapaniwala sa pinaggagagawa nito. Tama lang ang naging desisyon niya. Tama lang na hindi siya nagpadala sa mga salita nito. Tama lang na hindi siya naniwala dito. Tama lang iyon para hindi na madagdagan pa ang bigat na nakadagan sa dibdib niya. Tama la
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


