BF#53 - "Farewell, Bestfriend" ( Finale ) *GABRIEL* KINAPITAN ko ang likurang kwelyo ni Sebastian, nahila ko siya, binigyan ng isang malakas na suntok. Nagawa ko siyang mailayo kay Wendell. Sobrang init na sa paligid. Sobrang laki na ng apoy. Nagbabagsakan na ang kisame. Hindi na ako pinapapasok ng mga kasamahan kong pulis--pero walang nakapigil sa akin dahil alam kong nandito pa si Wendell sa loob. Napatingin ako sa kaniya--at siya sa akin, nakatali pa siya sa upuan--umiiyak. "Sir Gab..." "Huwag ka mag-alala nandito na ako." Sabi ko---kakalagan ko siya ng bigla akong paluin ni Sebastian sa likuran. Napaluhod ako sa harapan ni Wendell--nilingon ko kaagad si Sebastian at akmang papaluin na naman niya ako. Nakapitan ko ang kamay niya at inumpog ko ng ulo ko ang mukha niya. Napatumba na
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


