*GABRIEL* "BAKIT ba ayaw niyo nalang kaming hayaan ni Wendell na magsamang dalawa. Bakit ba napakapalamero mong pulis ka? Nang dahil sa pangangailam mo maraming batang namatay kahit ang kasama mo sa apartment mo. Ikaw ang dapat sisihin sa pagkamatay nilang lahat." Sabi ni Sebastian na hawak hawak ang rifle, nakapatong ang dulo nito sa sandalan ng upuan kung saan naka-upo si Wendell na meron takip na tela sa ulo niya. At sa tono ng pananalita niya, inaako na niya na siya ang pumatay sa mga iyon at para wala lang sa kaniya. "Marami-rami ka nang napatay Sebastian kaya hindi ko hahayaan na makuha mo pa si Wendell. Kaya kung ako sa iyo, sumuko ka na lang." Sagot ko. Nakatutok din ang hawak kong baril sa kaniya. Hindi ko inaalis ang mga mata ko sa kaniya. "Ganoon? Kung hindi ko lang din naman

